Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

 Brownlee, hindi maglalaro sa FIBA World Cup qualifiers 

Tanggap na ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na sasabak ang koponan sa FIBA World Cup Asian qualifiers na wala ang naturalized player na si Justin Brownlee.

Dahil sa hamstring injury na natamo ni Brownlee noong pang Mayo sa PBA Commissioner’s Cup, itinakda na ng 68-anyos na si Cone ang mindset ng koponan na kailangan nilang gawin ang lahat laban sa Jordan at Iran sa pagsisimula ng second round ng qualifiers sa Biyernes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nanatili si Brownlee sa United States at naipabatid na ang kanyang hindi paglahok sa fourth window dahil sa mga injury sa hamstring at tuhod.

“We’re going to be attending this window All-Filipino,” ani Cone tungkol sa sitwasyong wala ang kanyang pinakamahusay na manlalaro para sa mahahalagang laro sa Agosto 28 laban sa Jordan at Agosto 30 kontra Iran.

“The big elephant in the room right now is that Justin is not here and will most likely not play. So we’ll be going without Justin. And that’s a big adjustment.”

Nakatakda sana ang pagbabalik ni Brownlee noong Agosto 23.

“He, at this point, doesn’t feel like he’s healthy enough to contribute. Whether that’s injury or health, he was having some issues obviously as we know from the last window,” kwento ni Cone.

Gayunman, hindi pa tapos ang laban para sa Pilipinas kahit pa galing sa apat na sunod na pagkatalo at kasalukuyang may 2-4 record.

Isa sa mga positibong tinitingnan ni Cone ang pagbabalik ni 7-foot-3 Kai Sotto sa Gilas roster matapos ang dalawang taon.

“With Kai here, June Mar (Fajardo) and AJ (Edu), we feel we have the requisite size to be successful in this window,” ani Cone.

Sa ngayon, may 14-man pool ang Gilas Pilipinas coaching staff, na babawasan para sa final 12 bago ang laban kontra Jordan.

Kabilang din sa pool sina Dwight Ramos, Carl Tamayo, Kevin Quiambao, Justin Baltazar, Juan Gomez De Liano, RJ Abarrientos, Chris Newsome, CJ Perez, Scottie Thompson, Troy Rosario at baguhan na si Justin Arana.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles