Sa ika-apat na magkakasunod na taon, muling nanguna ang SB19 sa Billboard Fan Army Face Off.
Muling tinanghal nitong 2026 ang Kings of Pop boy band ng Pilipinas at hindi biro ang mga kinabog nilang fan groups or ARMY ng mga internationally renowned musical artists
Matindi ang pinagdaanang laban ng mga Army ng SB19 na nakipagpuksaan ng boto sa ibang armies.
Sa umpisa ng competition ng botohan ay agad na nangabog ang mga Ka-A’tin army laban sa mga fan groups nina Hilary Duff, Megan Thee Stallion at Melanie Martinez sa unang three rounds.
Sa quarterfinals ay nakaharap at tinalo naman ng SB19 army ang fan group ni Zara Larsson hanggang sa talunin din nila sa semifinals ang army group ni Benson Boone.

Sa huling round ng bilangan sa finals, nakatapat ng SB19 ang army group ni Harry Styles at tinalo nga din ito.
Ito na nga ang ikaapat na taon na nanalo ang maituturing na pinaka sikat na P-pop band ng Pilipinas kung hindi man sa buong Asya.
Sa mga nakaraang panalo nila, hindi rin basta-basta ang mga pinatumba ng army ng A’TIN.
Noong 2023, nag-prevail sila over the army of the very popular SEVENTEEN’s CARATS, then over RIHANNA’s NAVY noong 2024, at laban sa mga SELENATORS ni SELENA GOMEZ noong 2025.

Samantala, naririto naman ang listahan ng mga big winners ng BILLBOARD FAN ARMY FACE-OFF simula noong 2014 na inumpisahan ang naturang kontes para sa mga ardent and loyal supporters/fans ng mga kilalang musical artists sa buong mundo na nakatutok sa Billboard charts at social polls nito:
2014: BIGBANG’s VIPs
2015: T-ara’s Queens
2016: T-ara’s Queens
2017: T-ara’s Queens
2018: Super Junior’s E.L.F
2019: not held
2020: Super Junior’s E.L.F
2021: not held
2022: Stray Kids’ STAY
2023: SB19’s A’TIN
2024: SB19’s A’TIN
2025: SB19’s A’TIN
2026: SB19’s A’TIN


