Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Michael Flores, “common sense” post to LGU’s, pinag-usapan

Gaya ng maraming celebrities na ginagamit ang kanilang social media accounts para kalampagin o manawagan sa mga lider ng bayan, isa ang aktor na si Michael John Flores sa hindi na rin nakatiis mangalampag.

Sa gitna ng matinding mga ulan at baha sa buong bansa dala ng Habagat nitong Lunes, Agosto 17, halatang nakasabay sa buhos ng damdamin ang ‘reklamo’ ni Michael bilang isang magulang sa kanyang socmed post.

“Classes are suspended, AGAIN! Utang na loob mga LGUs, common sense na lang! Kagabi pa malakas ang ulan! Dapat kagabi pa lang, cancelled na mga classes!” ang nag-uumapaw sa “ïnis” na post ni Michael.

Sinabi din ng Master Cutter actor na lagi na lang daw ganito ang nakagawian ng practice ng LGU’s kahit noon pa man.

Kung kailan nga daw nasa mga schools na ang bata ay saka sila mag sususpende ng classes kaya’t ‘dusa’ sa parehong parents at students ang maghatid-sundo sa mga ito.

“Common sense,” hirit pa ni Michael na ni-like at ni-repost din ng mga netizen sabay accompany ng mga pictures ng baha at mga diumanoý mga taong gobyerno at mga sangkot sa ma-iskandalong ‘flood control anomalies.

Hirit pa ng aktor, “last week, ilang beses na kayo pumalpak sa pag-suspend ng classes! Kung kelan nasa schools na mga bata, doon kayo mag-suspend! Sobrang hassle samin mga magulang na nagsusundo at hatid sa mga anak namin sa school, tapos baha pa sa labas! Paayos niyo muna mga flood control projects niyo na palpak!”

Marami naman ang naka-relate sa post ni Michael at lahat ay sumang-ayon sa naturang kundisyon.

Sa mala-delubyo ngang kaganapan sa mga kalsada noong Lunes, lahat ng mga mamamayan sa bansa ay nagkakaisa at nanawagan na hindi dapat tumigil at huminto ang mga tao sa pagkalampag sa mga taga-gobyerno, mga LGU’s at mga contractors na sangkot sa ‘flood control’ issues.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles