As expected, kapwa pinarangalan bilang Best Actress ng 22nd Cinemalaya sina Pokwang at Ruby Ruiz para sa kanilang pambihirang husay sa mga respective entries nila.
Gaya ng naibalita natin dito sa BISTADO, walang itulak-kabigin ang mga umupong jury members sa nakita nilang husay ng dalawang aktres sa mga pelikula nilang 2Valid ID’s at Status:Rejected respectively.
Sa kanyang acceptance speech ay pinasalamatan ni Pokwang ang kanyang mga magulang at mga manonood na kahit daw maraming krisis na pinagdadaanan ang bansa ay nagawang suportahan ang kanilang pelikula.
Ito ang kauna-unahang major win ni Pokwang bilang Best Actress for movies. Nanalo na siya bilang Best Comedy Actress for TV noong 20026 para sa Aalog-Alog at naging FAMAS nominee naman as Best Actress noong 2012 for A Mother’s Story at noong 2019 for Ode to Nothing.
“Laban lang, patuloy nating buhayin ang industriya,”sambit pa nito.
Sa panayam naman ng BISTADO representative na nag-cover ng event na ginanap sa Grand Atrium ng Shangrila Plaza sa Mandaluyong last August 17, pinuri din ni Pokwang mga members of the media dahil sa suporta nila sa Cinemalaya.
Sey nito, “grabe , wala kong masabi sa tatag ng trabaho ninyo. Sa tindi ni Habagat at mga baha ngayon, nandito pa rin kayo to support us. San nga ay may managot na sa mga ganitong dusa na pinagdadanan nating lahat at sana yung mga mensahe ng mga movies natin ay makita ng higit na nakararami lalo na yung mga tinatawag nating lider.”
Samantala, hindi naman daw nag-prepare ng kanyang speech ang co-winner ni Pokwang na si Ruby Ruiz dahil hindi daw ang tipo niya ang agad na naniniwala sa social media.
Sa socmed kasi naglabasan ang mga tsikang ‘mag-tie nga sila ni Pokwang.”
“Laging may surpresa ang Cinemalaya kaya’t hindi ako nag-prepare ng speech pero ang mabigyan ka ng Balanghai (o Balighay) award (Cinemalaya trophy) ay isang pambihirang pagkakataon kaya’t lubos ang aking pasasalamat,”wika nito.
Ito na ang ika-apat na acting award ni Ruiz mula sa Cinemalaya, simula ng manalo siya sa mga entries na Ekstra as Best Supporting Actress (2013), Best Actress (Iska 2019), Best Supporting Actress (2022 Ginhawa).
Nakuha din ng “2 Valid IDs” ang Audience Choice Award at ang Special Jury Prize, habang nakuha ng “Status: Rejected” ang Netpac Jury Award.
Tinanghal namang Best Actor si Martin del Rosario sa LGTBQ inspired entry na ‘Tayo Lang Ang Nakakaalam’.’
“Well, with this win po ay hindi pa rin ako matatakot tumanggap ng roles na sa tingin ko naman ay hindi makakasira sa pagkatao ko. Before doing this movie, marami ang nag-discourage sa akin na baka daw ma-typecast ako sa mga gay roles, But I told them, wala po iyan sa kung paano kang titingnan o tatanggapin ng mga tao. Nasa dedication mo iyan sa craft mo kung paano mong ma-translate ang story ng isang individual nang wala kang tinatapakan o sinasagasaan,” sagot nito sa tanong ng BISTADO on “typecasting roles.”
Ito na ang ikatlong major Best Actor win ni Martin simula nang manalo siyang Best Actor para sa mga movies na Panti Sisters (2019) at Born Beautiful (2020 mula sa Asian TV awards). Mayroon na din siyang GAWAD URIAN Best Supporting Actor trophy para sa pelikulang Dagitab noong 2015, bilang pagpapatunay ng kanyang husay.
Naririto ang kumpletong listahan ng mga nanalo:
Best Film (Full-length Film Category)
Mag-iina by Giancarlo Abrahan and Guelan Varela-Luarca)
Best Film (Short Film Category)
Silkscreen by Rey Anthony Villaverde
Best Director (Full-length Film Category)
Giancarlo Abrahan for Mag-iina
Best Director (Short Film Category)
Gabriela Serrano for Elenita, Elena, Elaine
Special Jury Award (Full-length Film Category)
2 Valid IDs by Ma-an L. Asuncion-Dagñalan and Abet Pagdagdagan Raz
Special Jury Award (Short Film Category)
Para-Paraan by Mae Chan Li
Best Actress
Marietta Subong for 2 Valid IDs and Ruby Ruiz for Status: Rejected
Best Actor
Martin del Rosario for Tayo Lang Ang Nakakaalam
Best Supporting Actress
Bituin Escalante for A.ni.mál
Best Supporting Actor
Lucas Andalio for Mag-iina and KD Omalin for Hand of God
Best Ensemble Performance
Martin del Rosario, Yayo Aguila, Epi Quizon, and Miguel Ordon for Tayo Lang Ang Nakakaalam
Best Screenplay (Full-length Film Category)
Guelan Varela-Luarca for Mag-iina
Best Screenplay (Short Film Category)
Lysa Catolico and Jazmine Gin R. Pateña for RUNO!
Best Editing
John Rogers for A.ni.mál
Best Cinematography
Adam Dumaguin for Tayo Lang Ang Nakakaalam
Best Production Design
Katrish Aristoki for Mag-iina
Best Original Musical Score
David Yuhico for Mag-iina
Best Sound Design
Elian Idioma for Tayo Lang Ang Nakakaalam
NETPAC Award (Full-length Film Category)
Status: Rejected by Vahn Leinard C. Pascual
NETPAC Award (Short Film Category)
The River Flows in Different Places by Lot-Lot Hermosura
Audience Choice Award (Full-length Film Category)
2 Valid IDs by Ma-an L. Asuncion-Dagñalan and Abet Pagdagdagan Raz
Audience Choice Award (Short Film Category)
Hoy, Hoy, Ingat! by Norvin de los Santos


