Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bea Alonzo, “it’s about us,” on her now being Mrs. Bea Alonzo-Co

Larawan nga ng isang masayang maybahay ngayon si Bea Alonzo, na kamakailan lang ay buong ningning na ipinagmalaking siya na si Mrs. Bea Alonzo-Co.

Sa isang event kamakailan kung saan kinuha bilang isang brand ambassador ang bagong kasal na actress, tinuran niyang sinasanay pa niya ang kanyang sarili na tawaging ‘Mrs. Bea Co.’

“I’m not used to it yet. But I like being called one. Nakakapanibago pero exciting,” simpleng tugon ng maganda at magaling aktres sa nasabing event kung saan pinagkaguluhan ng mga members of the media ang pakikipaghuntahan sa kanya.

Bahagi ng kwentuhan ang plano ng aktres na mag-lay low o maging mas mapili sa mga tatanggapin at gagawing mga proyekto dahil aniya, “I need to give ample time now that I am married, a housewife and hopefully, soon a mother.”

Kinokonsidera na daw ni Bea na bigyan ng time frame o timeline ang kanyang showbiz career kaya’t sa puntong “longevity” ay mas naging conscious siya.

 Sey nito, “Right now I have to say I have become more intentional and more conscious about longevity. So if before I would resort to quick fixes or the latest beauty trend or fitness trend, right now I invest more in my future self.”

Sa isang bahagi din ng panayam ay masayang naikuwento ni Bea na pinaplano na nila ni Vincent ang magkaroon ng mga anak.

“Of course, I’d love to be able to have the energy to run around with my kids, you know, and to play with them and not just watch from the sidelines,” saad pa ni Bea.

Sa glow ng awra at personalidad ni Bea sa ngayon, hindi mababanaag dito ang mga nagdaang isyu bago pa man sila ikinasal ni Vincent.

Natawa na lang ito sa mga usaping “prenup, custody ng mga anak, etc,” na naging tampulan ng kontrobersya noong na-postpone o nakansela ang kanilang pagpapakasal sa Spain last July.

“It’s about us anyway. Kami naman talaga ang magsasama at bubuo ng sarili naming pamilya. so let it be,” tugon pa nito.

Sa ngayon ay hinahati umano ni Bea ang kanyang mga skeydul sa pagiging Mrs.Bea Co niya at sa mga obligasyon niya bilang isang endorser at aktres.

Kasalukuyan niyang tinatapos ang GMA 7 project na ”  “Whispers from Heaven” kasama sina Tom Rodriguez, Maricar Reyes, Jason Abalos, Jake Macapagal, at Cassy Legaspi, sa direksyon ng award-winning director. Zig Dulay at associate director Jorron Lee Monroy.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles