Naglaro na sa wakas si Jordon Varnado para sa Meralco at tinulungan ang Bolts na wakasan ang four-game slump sa pamamagitan ng 97-88 panalo kontra Barangay Ginebra nitong Biyernes sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Matapos ang calf strain bago pa man magsimula ang conference noong nakaraang buwan, kumamada si Varnado ng 31 puntos, kasama ang anim na rebounds, apat na assists, tatlong steals at dalawang blocks upang muling buhayin ang kampanya ng Bolts para sa quarterfinals sa Group B.
Sa markang 3-5, umakyat ang Meralco sa ikalimang puwesto, habang naungusan ang Gin Kings (2-4) na bumagsak sa ikaanim at huling puwesto sa bracket.
Lubos na naramdaman ang malakas na presensya ni Varnado sa fourth quarter. Nang mapaliit ng Ginebra ang double-digit na lamang ng Meralco sa 81-78, nagpasiklab si Varnado ng 14 puntos.
“I did okay. Missed too many free throws at the end but I’m just glad we got the win and when we come back from the (league’s long) break, we have the opportunity to push forward,” ani Varnado.
Pinuri nang husto ni Meralco coach Luigi Trillo si Varnado, na pumalit sa import duties kay stand-in Antonio Hester.
“I think coming into a situation like that it’s very hard for Jordon because it’s his first game back. He’s been out of his rhythm but I thought he made a lot of big shots down the stretch,” sabi ni Trillo.
“He’s a warrior, he likes to take the challenge, he’s got five fouls and he wanted to take on the import of the other side. The one thing I noticed with him is that he brings a lot of dimension to his game. He can put the ball on the floor, he can hit the three, we become a quicker team.”
Umakyat din ang laro ni Chris Newsome sa must-win outing na ito, na naghatid ng error-free na 18-8-5 performance, kabilang ang isang pivotal jumper mula sa pasa ni Varnado na nagbigay sa Bolts ng 87-80 kalamangan.
Nagtala si Riley Grigsby ng 34-10-3 sa maaaring maging huli niyang laro para sa Gin Kings, dahil inaasahang babalik si Justin Brownlee sa pagpapatuloy ng torneo sa Oktubre.
Nanalo ang Ginebra, 84-75, sa unang pagharap sa Meralco noong Hulyo 31.
Sa unang laro, nahirapan ang Converge laban sa import-less NLEX ngunit nakahanap ng paraan upang manalo, 112-110, at umakyat sa ikatlong puwesto sa Group A sa kartada 5-4.
Pinakinabangan ni Cameron Clark ang malaking butas sa lineup ng NLEX dahil sa kawalan ng injured na si DeQuan Jones, at pinangunahan ang FiberXers sa pamamagitan ng 37 puntos at 12 rebounds, kasunod ng kanilang 120-103 pagdurog sa Terrafirma tatlong gabi ang nakalipas.
Sina Juan Gomez de Liano at Justin Arana ay umalalay sa pamamagitan ng tig-19 puntos.
Parehong tumira ng malalaking shots ang dalawa sa payoff period na nagbigay-daan sa Converge na makuha ang 112-106 kalamangan bago ang huling 13.2 segundo.
Nagsama sila para sa 23 puntos sa huling 12 minuto, na nagpasiklab sa 28-21 quarter.
“Back-to-back (wins) but I think we need more adjustment on our defense. Imagine, they didn’t have an import but it’s a close game. So that’s something we need to work on in the coming break,” ani coach Delta Pineda.
Nangunguna pa rin ang NLEX sa Group A sa kartada 7-2, tabla sa San Miguel Beer.
The scores:
First Game
CONVERGE 112– Clark 37, Arana 19, Gomez de Liano 19, Baltazar 11, Abueva 6, Garcia 5, Williams 4, Stockton 3, Tungcab 3, Policarpio 3, Concepcion 2.
NLEX 110 – Gonzales 23, Bolick 19, Winston 17, Bahio 16, Semerad 9, Ramirez 8, Capulong 5, Valdez 5, Gamboa 4, Racal 2, Alas 2, Rodger 0, Fajardo 0, Torres 0, Nelle 0.
Quarters: 22-30; 51-51; 74-79; 112-110
Second Game
MERALCO 97 – Varnado 31, Newsome 18, Hodge 13, Quinto 10, Brickman 8, Bates 6, Black 4, Cansino 4, Maliksi 3, Mocon 0, Banchero 0.
GINEBRA 88 – Grigsby 34, Abarrientos 21, J.Aguilar 12, Rosario 6, Holt 5, Thompson 4, Torres 3, Gray 3, Cu 0, Abis 0, Pinto 0.
Quarters: 21-20; 49-41; 69-61; 97-88


