Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Joshua Garcia-Julia Barretto, may pressure ang balik-tambalan?

Balik-tambalan ang JoshLia nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa ilalim ng direksyon ng box-office director Cathy Garcia-Sampana, mula sa Star Cinema.

Sa “Always Yours, Never Mine,” na ipapalabas na ngayong September 30, sa mga sinehan nationwide ay muling masusubukan ang magic ng tandem na isa nga sa mga young tandems sa showbiz na tinangkilik ng madla.

Simula noong 2016 ay nagsama sila sa mga pelikulang Vince and Kath and James (2016), Love You to the Stars and Back (2017), Unexpectedly Yours (2017), I Love You, Hater (2018), and Block Z (2020).

Naging magkasintahan sila sa totoong buhay at pansamantalang nagkaroon ng kani-kanilang mga personal na karelasyon.

Noong 2024 ay muli silang nagkasama sa romance film Un/Happy for You, isa sa mga biggest hits noong taon na yun.

“The good thing with us is that we maintain our being professional towards our work and our personal relationship. We may not be the best of buddies, but we give each other high regard,” sambi tni Julia.

Segue naman ni Joshua, “ako I still consider Juls as one of the best persons na nakilala ko. Hindi na magbabago yun. Kaya siguro napakagaan sa akin na makatrabaho siya anytime.”

Samantala, may sagot naman sila sa mga nagsasabing kumikita lang umano ang pelikula ni Julia kapag si Joshua ang katambal.

Sa mga ibang films kasi na nagbida si Julia ay kapansin-pansin ding hindi ito gaanong kumikita o napag-uusapan kasama na dito ang mga movies na ginawa niya kasama sina Aga Muhlach, Carlo Aquino at iba pang leading men sa showbiz.

May nagsabi namang ganun din naman si Joshua kapag sa ibang leading ladies itinambal kahit pa daw sa TV shows lang.

“Well, their record shows that their tandem is still among the best. Magaganda ang mga pinagsamahan nilang movies at wala ni isa man sa mga ito ang nag-flop sa takilya. Sa ginagawa nilang project ngayon, walang duda na maibabalik nila ang ningning at sigla ng kanilang tambalan,” sagot ng taga-Star Cinema na mga kaswal ng JoshLia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles