Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Megaworld naitaas sa record ₱3.8-B ang dibidendo

Record ₱3.8 bilyong cash dividend ang ipamamahagi ng Megaworld Corp. sa shareholders nito kasabay ng patuloy na paglago ng property giant.

Nagdeklara ang kompanya ng cash dividend na ₱0.11733697 bawat share, mas mataas nang 25 porsiyento sa ₱0.09395845 bawat share na ibinayad noong August 2025.

Katumbas ito ng 5.2 porsiyentong dividend yield batay sa closing price na ₱2.27 ng Megaworld noong August 11.

Ibabayad ang dividend sa September 9 sa shareholders na nakatala sa records ng kompanya pagsapit ng August 27.

Ikatlong sunod na taon na itong nagtaas ng dividend ang Megaworld. Sa panahong ito, lumago nang compounded 22 porsiyento kada taon ang payouts nito.

Ang 2026 dividend ay katumbas ng 18 porsiyento ng ₱21-bilyong net income attributable to the parent na naitala ng Megaworld noong 2025. Mas mataas ito sa 16 porsiyentong payout ratio noong nakaraang taon.

“This record dividend reflects Megaworld’s continued growth and our commitment to share more of the value we create with our shareholders,” ani Megaworld Chief Financial Officer (CFO) Francisco C. Canuto.

Suportado rin ang mas malaking dividend ng lumalakas na cash position ng kumpanya.

Umabot sa ₱22.8 bilyon ang cash ng Megaworld sa pagtatapos ng June, mula sa ₱20.8 bilyon noong katapusan ng 2025.

Bumaba rin sa 0.24 times ang net debt-to-equity ratio nito mula sa 0.27 times, tanda ng ikalawang sunod na taon ng pagbabawas ng utang kumpara sa equity.

Nagbibigay ito sa Megaworld ng dagdag na puwang para tustusan ang expansion at capital expenditures habang patuloy na nagbibigay ng mas malaking balik sa mga investor.

Target ng kumpanya na magkaroon ng dalawang milyong square meters na office gross leasable area at isang milyong square meters na retail space pagsapit ng 2030. Kapag nakamit, aabot sa tatlong milyong square meters ang pinagsamang leasing footprint ng Megaworld. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles