Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kris Aquino and sons, binigyan ng birthday present si First Lady Liza Marcos

Sa mismong socmed account ni First Lady Liza Araneta-Marcos naka-post ang ginawang pagbisita ng mag-iinang Kris Aquino, Josh at Bimby para personal itong batiin ng ‘happy birthday.’

Sa August 21 pa ang eksaktong araw ng kaarawan ng Unang Ginang, pero at this early nga ay may mga nagbibigay na sa kanya ng advance birthday greetings gaya ng Aquino family.

Sa kanyang socmed account ay masayang ibinahagi ni FL Liza ang ginawang pagdalaw ng mag-iina sa kanya with matching birthday cakes pa. Sa viral photos ay makikitang may tatlong klase ng birthday cakes na dinala ang mag-iina para kay FL Liza.

Mensahe ni FL Liza, “Thank you Kris, Josh & Bimby for the lovely advanced birthday cakes! Such a thoughtful surprise that truly warmed my heart. Feeling very blessed.”

Viral ang kanilang photos together kung saan makikita ngang masayang magkakasama ang apat.

Ang panganay ni Kris na si Josh sa isang kuha ng photos ay makikitang naka-akbay kay FL at masasabing very close dito.

Sa isa pa ding larawan ay makikitang kaswal na nag-uusap sina Kris at FL na aakalain mo talagang parang walang anumang naganap na hindi maganda sa pamilya Aquino at Marcos noong araw.

Sa socmed naman ay mixed ang reactions ng mga netizen.

May mga nagpaparatang kay Kris na tila kinalimutan na nito ang naging magandang legacy ng mga magulang partikular ng ama nitong si dating Senador Ninoy Aquino na noo’y numero unong kritiko ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr,. ama nga ng kasalukuyang Pangulong si BBM.

May mga natutuwa naman ay nagsasabing “time is indeed the ultimate healer” dahil mukha ngang ‘everything is under the bridge now that FL is the wife of PBBM, and Kris’ friend.’

August 21 birthday ni FL Liza, tapat sa ATOM ng Aquino family… kuha sa FB

May mga nagsasabi ding  malaki daw kasi ang naitulong ni FL Liza kay Kris noong nag-pa-annul ito ng marriage sa dati nitong asawang si James Yap.

Pero para sa mga nakaka-alala pa ng kasaysayan, sinasabi nilang strategy daw ni Kris na batiin in advance si FL Liza dahil nirerespeto pa rin nito ang August 21, bilang mahalagang araw sa kasaysayan ng mga Aquino at sambayanang Pilipino.

Ang August 21 kasi ang araw na inilunsad ang ATOM o August Twenty One Movement ni dating Senador Agapito ‘Butz” Aquino, kapatid ni NInoy, na pinaslang nga noong August 21, 1983.

Isa itong advocacy group para sa mga supporter ng Aquino family at mga naniniwala sa laban sa diktatoryang Marcos na naghahangad na ipagpatuloy ang ‘laban’ hanggang sa mga panahong ito.

In fact, ang pamangkin ni Kris na si Kiko Aquino Dee ang masigasig na nagrerepresenta ng kanilang pamilya sa usaping ito. Patuloy siyang may grupong nag-mo-mobilize ng urban middle class laban sa mga isyu ng bayan at iba pang usapin sa current socio-political issues.

Marami din ang nakapansin sa viral photos nina Kris at FL Lady na nakasuot ng “dilaw” na tshirt ang mag-inang Kris at Josh, bilang pagpapatunay daw na hindi nito tinatalikdan ang laban ng pamilya.

Ang naturang “:kulay dilaw” kasi ang matagal ng na-identify na kulay sa naturang laban sa politika ng mga Aquino at Marcos, pati ng mga supporters nila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles