Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Andrea Brillantes, “hindi na po ako bata, 23 years old na ako”

Sa panayam na ginawa ng BISTADO kay Andrea Brillantes during the midyear trade event ng TV5 na Tara Kapatid last Aug. 6, maraming ibinahagi ang sexy actress sa kanyang estado ngayon.

Una ay klinaro nitong masaya ang buhay pag-ibig niya at never daw silang nagkaroon ng isyu ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Franchesco Juan “Pankie” Capistrano.

“Okay naman po kami. We still have the best of both worlds. Binabalanse po talaga namin ang aming mga priorities,” sagot nito sa pangungumusta ng BISTADO.

Nasa Europe uli ang cast ng A Secret In Prague, TV5”s action-romance series… kuha sa FB

Tinuran din nitong mas nagiging close ang kanilang mga respective families lalo na siya sa pamilya ni Pankie na isa nga sa mga kilalang angkan sa isang bahagi ng Quezon Province.

PInabulaanan din ng magandang aktres na hindi totoo ang balitang pinagbawalan silang magkuwento tungkol sa kanilang personal na buhay, lalo na about their lovelife dahil sa A Secret in Prague project nila ni Enrique Gil.

“Hindi po, wala po. Kumbaga, nasa aming discretion na yun kung magsasalita kami about it or what. Siyempre po for respeto na lang sa aming project, we need to promote it the way na gusto ng production,” dagdag pa ni Andrea o mas kilala din sa nickname niyang Blythe.

Hindi naman daw siya ang tamang tao para tanungin kung mayroong nobya ang leading man niyang si Enrique o Quen dahil aniya, “everything we have now is really good friendship and good working relationships.”

-Papasok na sa bagong yugto ang A Secret In Prague na patuloy pa ring tinatangkilik ng mga manonood gabi-gabi sa TV5.

“Anytime po this week, babalik kami sa Europe to shoot,” tsika pa ni Blythe.

Andrea at negosyo niyang Lucky Beauty…kuha sa Tiktok

Marmi pa daw silang mga isu-shoot doon na mga scenes na kailangan sa istorya.

Pero pinaka-exzcited nga daw siya sa mga action scenes na in-enjoy niyang gawin.

“As much as possible po talaga, kung kaya ko ding gawin, ako ang gagawa.Mula sa paghawak ng baril, pakikipaghabulan, suntukan, sapakan, ganun,” saad nito.

Nang tanungin ng BISTADO kung mayroon ba siyang ‘peg’ o mga ginagawang motivation para mas makatotohanan niyang magawa ang mga ganung scenes?

“Simple lang po, iniisip ko lang talaga yung mga taong gusto kong sapakin o suntukin/ Yung mga may nagawang hindi maganda sa akin,” sabay pigil sa sarili at natawang sinabi, “yun na po yun haha.”

Sa tanong naman kung ano pa ang kanyang handang gawin para sa ikagaganda pa ng istorya o mga projects na nire-require siyang mag-bare o magpa-sexy?

Sagot ni Blythe, “for as long as kailangan sa istorya, papayagan ng TV o film, naaangkop naman sa akin at gagawin in a manner na walang masasaktan o masasagasaang prinsipyo o value, at kaya ko po talaga, wala pong isyu.”

“Baka lang kasi nakakalimutan ng mga tao na 23 years old na po. I am maturing well at hindi na po ako yung child star na nakilala ninyo dati. Wala pong nagbabago sa akin maliban sa tumatanda na rin po talaga ako at nakikibagay sa takbo ng panahon,” lahad pa nito.

‘Strike while the iron is hot’ nga daw ang isa sa mga guiding principles ni Blythe sa ngayon.

At her age ay pinasok na rin niya with her mother ang pag-nenegosyo. Siya ang founder and CEO ng Lucky Beauty, a beginner-friendly and cruelty-free cosmetics and fragrance brand launched in early 2023. Siya rin ang ang namumuno sa family owned venture nilang ABG Trading Inc. 

“As i said, hindi na po ako bata. Masayang tumanda na marami kang na-a-accomplish ng tama kasama ang mga mahal mo sa buhay. Grateful lang po talaga ako na may mga offers and projects akong dumarating at this point of my career,” pagtatapos ni Blythe.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles