TW: Mentions of rape
Tila isinabuhay ng isang forgone pulitiko at long-ago athlete ang isang bomba film niya noong 90s.
Sa latest na nasagap ng ating mga kabisto, si long-ago athlete ay nakatakdang kasuhan ng pamilya ng isang senior high school student na umano’y hinalay niya. Hindi ito simpleng tsismis lang na pwedeng balewalain. Ayon sa mga bulong na umiikot sa ilang circles, galit na galit umano ang pamilya ng dalagita at naghahanda na raw ng ligal na hakbang laban sa naturang personalidad.
Mas lalong nakakapangilabot ang alegasyon dahil menor de edad ang naturang biktima. Kaya para sa mga nakarinig ng kuwento, hindi na ito basta chika kundi isang seryosong usapin na posible – at dapat lang – umabot sa korte.
Ang tinutukoy na personalidad ay hindi rin basta ordinaryong pangalan sa showbiz at sports. Bago siya naging pulitiko, isa muna siyang kilalang atleta na sumikat sa kanyang larangan. Pagkatapos ng kanyang sports career, pumasok siya sa mundo ng pelikula at nakilala sa mga action at sexy-themed films noong dekada nobenta.
Kalaunan ay lumipat siya sa pulitika at naging kilala sa LGU circles. Sa isang punto, inasam pa umano niyang maging vice mayor sa isang lungsod sa Metro Manila.
Habang naghahanda ang pamilya ng umano’y biktima na magsampa ng kaso, marami ngayon ang naghihintay kung ano ang magiging sagot ng naturang personalidad sa mga paratang.
Abangan natin ang sagot ng kampong tunog doktor ang initials. ‘Yun na! Bistado!


