Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Alexa Eala pasok sa fourth round ng Canadian Open

Nakalusot si Alexandra Eala laban sa Amerikanang si Caty McNally, 6-3, 5-7, 6-4, nitong Sabado upang umabante sa fourth round ng National Bank Open sa Toronto, Canada.

Ito ang pampitong sunod na panalo ni Eala mula sa pinagwagian na Mubadala DC Open sa Washington.

“I think I survived that one,” ani Eala sa center court interview, sa harap ng mga kababayan. “It was so tough. I wanna thank Caty for a great match and for being a great sport. It’s one of those matches that could’ve gone either way. It was down to details and a little bit of luck. It was a great match.”

Nakatakdang makaharap ng 21-anyos na Pilipina ang 12th seed na si Belinda Bencic ng Switzerland sa Lunes (oras sa Pilipinas). Tinalo ni Bencic ang isa pang Amerikana, si Taylor Townsend, 6-7 (5), 7-6 (4), 6-4.

Ito ang magiging unang paghaharap nina Eala at Bencic.

Si Bencic, ang world No. 14, ay maghahangad ng ikaapat na quarterfinal sa torneo, samantalang si Eala ay nag-aasam na umabot sa ikatlong WTA 1000 quarterfinal ngayong taon.

Si Eala, na ngayon ay nasa career-best No. 20 sa world singles ranking, ay tinalo rin si Alycia Parks ng Amerika, 6-1, 4-6, 6-2, sa second round.

Samantala, umabante rin ang top seed na si Aryna Sabalenka ng Belarus matapos talunin si Shuai Zhang ng China, 6-3, 6-4. Makakaharap niya sa susunod na round ang 16th seed na si Ekaterina Alexandrova ng Russia, na nagwagi laban kay Talia Gibson ng Australia, 5-7, 6-1, 6-3.

Nagtagumpay din ang No. 2 seed na si Elena Rybakina ng Kazakhstan laban kay Ann Li ng US, 6-2, 7-5. Makakaharap niya sa fourth round si Liudmila Samsonova ng Russia, na tinalo si Maya Joint ng US, 7-5, 6-7 (3), 6-2.

Kabilang din sa mga umabante sina No. 3 Jessica Pegula ng US, na tinalo si Kamilla Rakhimova ng Russia, 6-4, 6-0, at No. 4 Coco Gauff ng US, na nagwagi laban kay Maria Sakkari ng Greece, 6-1, 6-4.

Nakapasok din sa fourth round sina No. 7 Iga Swiatek ng Poland, No. 10 Marta Kostyuk ng Ukraine, No. 11 Naomi Osaka ng Japan at No. 30 seed Leylah Fernandez ng Canada.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles