Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BISTONG KAPALARAN – August 10

♈ ARIES (March 21–April 20) – Posibleng hindi kayo magkasundo ng pamilya, pero huwag dibdibin ang pakiramdam na hindi ka kabilang. Sa pag-ibig, baka nasa taong matalik mo nang kaibigan ang tunay na saya.

♉ TAURUS (April 21–May 21) – Gamitin ang iyong husay makisama para makuha ang trabaho o dagdag-sahod na inaasam. Ayusin ang pera at huwag akuin nang mag-isa ang lahat ng problema ng pamilya. 

♊ GEMINI (May 22–June 21) – Sarili mo namang problema ang tutukan sa halip na laging sumagip sa iba. Isang biglang pagkaunawa ang tutulong para mabitawan ang lumang sakit, habang posibleng nasa dating app ang tunay na pag-ibig.

♋ CANCER (June 22–July 22) – Dahan-dahan lang at isa-isahin ang kailangang gawin. Ang simpleng ligaya sa tahanan ang magbibigay ng kapayapaan, at makatutulong ang paghahati-hati sa gastusin.

♌ LEO (July 23–August 23) – Maaaring tamarin o mawalan ka ng gana sa trabaho, lalo na kung may inaalagaang mahal sa buhay. Humingi ng payo dahil dito maaaring magsimula ang pangmatagalang solusyon.

♍ VIRGO (August 24–September 22) – Kung may gustong baguhin sa buhay, kumilos at simulan ang trabaho. Magtiwala, pero huwag maging bulag—manipis ang pagitan ng pagiging mapagtiwala at madaling malinlang.

♎ LIBRA (September 23–October 23) – Malalaman mo kung alin ang panandaliang tukso at alin ang relasyong may tunay na pagmamahal at respeto. Kung hirap sa trabaho ang kapareha, baka panahon nang magpalitan muna kayo ng responsibilidad.

♏ SCORPIO (October 24–November 22) – Magpahinga agad kung masama ang pakiramdam para handa ka sa magandang oportunidad sa trabaho. Sa pag-ibig, alamin kung may matinong dahilan sa pagiging lihim o may relasyong hindi dapat pinapasok.

♐ SAGITTARIUS (November 23–December 21) – Mas mabuting manahimik muna sa usaping pera o trabahong hindi umuusad. Huwag tumakas—humanap ng kompromiso, at kung single, huwag basta magpadala sa tukso.

♑ CAPRICORN (December 22–January 20) – Simulan na ang pag-uusap tungkol sa pera dahil may pagkakataong lumaki ang kita sa kalagitnaan ng linggo. Samantalahin ang suporta sa trabaho, pero huwag paghaluin ang negosyo at pag-ibig.

♒ AQUARIUS (January 21–February 18) – Kung wala kang magandang masasabi sa trabaho o pamilya, mas mabuting manahimik muna. Huwag sarilinin ang problema—humingi ng tulong at maglaan ng oras sa mga mahal sa buhay.

♓ PISCES (February 19–March 20) – Magtakda ng malinaw na hangganan pagdating sa pera. Isang kaibigang babae ang maaaring tumulong sa pagsisimula ng online business, pero unahin ang ipon at seguridad sa hinaharap.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles