Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sassa Gurl, natakot kaya nag-sorry

Mabilis ang naging aksyon ng kilalang social media personality-turned-actress  na si Sassa Gurl matapos nitong mapagtanto na tila inilagay niya sa isang “uncomfortable situation” si Kapamilya co-star  AC Bonifacio.

Sa mediacon para sa pelikulang Saving Cherry kung saan parehong co-starring sina AC at Sassa, naitanong kay AC kung ano ang experience niya working with Kapuso stars gaya nina Barbie Forteza, Khalil Ramos, Mikee Quintos, Mika Salamanca at iba pang kasama sa Regal Ent. movie.

” Naloka ka sa mga Kapuso noh, walang plastikan,” sey ni Sassa Gurl kay AC Bonifacio, kuha ng BISTADO

Habang sinasagot ito ng Kapamilya actress ay sumabad si Sassa nang mga papuri sa mga Kapuso stars sabay hirit nang mga katagang, “Naloka ka sa mga Kapuso, no? Walang plastikan.”

Tinawanan lang naman ni AC ang tila nakakalokang “biro” diumano ni Sassa habang naiintriga ang mga members of the entertainment media sa naturang pahayag.

Lahat ay nagtatanong kung may “laman ba o may pinatatamaan” ang socmed sensation lalo’t gaya ni AC ay madalas din niyang nakakatrabaho ang mga Kapamilya stars.

Marespeto pa rin namang sinabi ni AC na “I love my network. To my Star Magic family, I love you.”

Agad ngang nakatanggap ng bashing si Sassa lalo’t mang-aagaw umano ito ng moment dahil hindi naman siya ang tinatanong.

May mga tumawag pa dito na ‘eksenadora at papansin’ dahil bukod sa co-starring lang naman siya sa movie ay wala pa daw itong napapatunayan sa showbiz maliban na lang sa pagiging kilalang socmed influencer o personality.

Kaya naman to the rescue agad ang mga nasa likod ng produksyon at agad daw pinagsabihan ang matabil na LGBTQ member.

Mabilis din naman daw na sumunod si Sassa and using her X account ay agad itong nasg-tweet ng paghingi ng apology sa mga nasaktan sa sinabi niya at lalo na kay AC na tila inilagay daw nito sa balad ng alanganin dahil sa mapanghimasok niyang komento o side remark.

“Saw all your tweets and messages, kinda deserve ko naman talaga ang mabunot, as a queer person who represents the baklang kanal girlies, i realized na dapat nga naman talaga ilugar ang kakanalan,” ang bahagi ng pahayag ni Sassa.

Ayon pa sa kanya, nais man niyang maging totoo sa kanyang pagsasalita subalit hindi nga yun magandang ‘excuse’ para maging taklesa at magbigay ng hindi magandang mga salita laban sa mga kapwa artista.

Pahayag ni Sassa, “I stand by being real, but hindi excuse ito [to] be taklesa. Sa nasabi ko i take accountability for that, thank you sa mga nagcall out, another opportunity for me to grow as a new artist in showbiz, at siyempre to my sister ms. AC, sorry ma for putting you into a very vulnerable situation.”

Tinanggap naman ni AC ang apology ni Sassa subalit para sa mga loyal Kapamilya supporters na tila iritado pa rin sa pa-kontrobersyal statement nito, “the who pa rin siya sa showbiz para mag-maganda o magma-asim.:

May nakatakdang launching movie si Sassa na ngayong September din ipapalabas kaya’t para sa mga showbiz insiders/observers, natatakot lang itong magkaroon ng hindi magandang epekto sa outcome ng launching project niya kaya daw ito nag-apologize.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles