Nakakuha ang Pilipinas ng dalawa pang medalya upang wakasan ang isang matagumpay na kampanya sa 10th Aero Gymnastics Asian Championships nitong Biyernes sa Tagaytay CT Velodrome.
Sa saliw ng pinaghalong musika ng mga katutubo at modernong sayaw, nagtala ang Pilipinas ng 16.60 puntos upang masungkit ang pilak na medalya sa team senior aero dance event.
Ang mga kasapi ng koponan ay sina Arcanio Cadlos, Charmaine Dolar, Enrico Ostia, James Dominick Yray, Jhon Jeoffrey Cañones, magkapatid na sina Dorothy Grace at Danielle Asuncion, at si Princess Johanna Pama.
Nagtala ang Vietnam ng 17.250 puntos upang makuha ang gintong medalya, habang ang Mongolia naman ang nakakuha ang tanso na may 16.475 puntos.
Sina Cadlos at Dolar, na mga silver medalist sa 2025 Thailand Southeast Asian Games, ay nakakuha ng kanilang ikalawang medalya matapos makuha ang tanso sa senior mixed pair na may 18.30 puntos, sa likod ng 1-2 finish ng mga Vietnamese.
Ang Philippine youth aero dance team, na kinabibilangan nina Enoch Ryan, Jan Basmayor, Mikhaela Ladaran, Sean Emmanuel, Leona Shendrach, Jane Hallel Ramos, Anne Miguel Martin, Casey Meniano, Nathalya Facultad at Anne Haizzah Meniano, ay nakakuha rin ng tansong medalya sa iskina na 16.700 puntos.
Sa pangkalahatan, nagdala ang Pilipinas ng isang ginto, isang pilak, at tatlong tansong medalya.
“I am happy that we won silver and bronze in the senior events. We really prepared hard for this,” ani national team coach Alena Rius.
“Especially the bronze won by Charmaine and Arcenio — since the Vietnamese athletes who took the gold and silver are world-ranked, that medal is truly a significant achievement,” dagdag nya.
Samantala, masaya ang pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines na si Cynthia Carrion na naging maayos ang takbo ng kompetisyon, na dinaluhan ng 12 bansa sa Asya at halos 500 na mga atleta at opisyal.
“This is a credit to our organizing team, and most of all the participants we talked to gave us the thumbs-up. We really stepped (up) for this one,” ani Carrion.
“We gave them the opportunity to perform in front of the hometown crowd and I am glad that they delivered superbly despite our modest expectations. They competed against the best in Asia and performed well.”


