“She’s not the Queen of All Media for nothing,” sigaw ng mga netizen na matagal ng naghihintay sa pagbabalik ni Kris Aquino.
Marami ng naglabasang mga balita tungkol dito nitong mga nakaraang panahon lalo’t alam naman ng buong industriya ang kanyang pinagdadaanang kundisyon sa kalusugan, subalit nitong August 7 nga ay sumambulat ang balitang opisyal na siyang magbabalik.
Mismong ang Netflix Philippines ang nag-anunsyo na si Kris nga ang napili nilang maging lider at mukha ng C.H.I.K.A. (Chief Head of Insights and Kontent Analysis).

Yes, hindi lang siya basta-basta mapapanood sa naturang social media platform kundi siya pa ang magiging tagapamuno nito, making her the lady boss na deserve niya.
Sa pamamagitan din ng kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Krisd ang isang playful video kung saan nadiksubre niyang naghahanap ang Netflix Philippines para sa kanilang ilulunsad na CHIKA.
“Netflix is hiring! Chief Head of Insights and Kontent Analysis. Well, with my forty years of experience in commercials, TV, the movies, and let’s be honest, I was the very first to do online vlogging. This job is meant for me. So, Netflix, game na!” ang tila naging application ng Queen of All Media sa naturang anunsyo ng Netflix Phils.
Mabilis, instant at positibo itong tinanggap ng Netflix Philippines at opisyal na nga siyang in-unveil bilang kanilang newest C.H.I.K.A, sa pamamagitan din ng masayang reel sa Instagram.
Ganito naman ang naging response post ng Netflix Phils., “Ano itong pasabog ni madam?! Kris Aquino is Netflix’s C.H.I.K.A. (Chief Head of Insight and Kontent Analysis) with some bonggang upgrades to local shows, Krissy style.”
At dahil nasa digital world na nga ang lahat, sa pamamagitan din ng reel ay makikitang naglalakad si Kris sa upisina ng Netflix at buong giliw na nag-anunsyo, “Hello everyone, good morning! Ako ang bago ninyong boss. The new Netflix C.H.I.K.A. Are you ready para simulan na natin ang ating August campaign? Yes? Yes!”
Positibo naman ang naging reaksyon at reception ng madlang pipol na naoon pa nananabik sa pagbabalik ng isa sa pinakamahusay, matalino at ismarteng talk show host ng bansa.
This time around ay wala nga daw ibang puwedeng mag-level up ng pakikipag-chikahan sa madlang pinoy na mahihilig sa tsismis at iba pa, kundi ang isang Kris Aquino.
Ang lahat ng pinoy content na ipapalabas sa Netflix Phils, ay lalagyan at bibigyan ng ibang kulay via CHIKA and with Kris’ touch and approval.
Ngayong August ay malaking “yes approval” ang ibinigay ni Kris sa mga ongoing pinoy shows na ‘A Secret in Prague, Blood vs Duty, and The Master Cutter’ bilang ich-chika niya sa naturang platform.
Kaabang-abang talaga ang mga susunod pang gagaawin ng isang Kris Aquino para sa Netflix Phils.


