Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

OTS nakatanggap ng hoax threats; mga pasahero pinagbantay sa kahina-hinalang kilos, bagahe

Pinag-iingat ng Office for Transportation Security ang mga pasahero sa paliparan matapos makatanggap ang ahensiya ng mga bantang kalauna’y napatunayang peke.

“We have been receiving threats through phone calls, email, Facebook. We check these in coordination with airport security and the Philippine National Police,” ani OTS Administrator Gilbert Cruz sa panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon.

Ayon kay Cruz, sinuri ang lahat ng natanggap na banta katuwang ang airport security at Philippine National Police ngunit lumitaw na hoax ang mga ito.

Ibinangon din niya ang posibilidad na maaaring nasa likod ng ilan sa mga banta ang mga nasibak na empleyado ng airline at dating airport security personnel. Wala namang binanggit na partikular na indibidwal o ebidensiyang nag-uugnay sa kanila sa mga insidente.

Tiniyak ni Cruz na handa ang OTS na tumugon sa ganitong mga sitwasyon dahil regular na sumasailalim sa pagsasanay ang mga tauhan nito.

“We also have a group chat with security providers of every airport to ensure swift response to threats,” dagdag niya.

Hinimok din ng OTS ang mga pasahero na huwag balewalain ang anumang kahina-hinalang kilos o gamit sa loob ng paliparan, partikular ang mga bagaheng walang nagbabantay.

“Once they notice anything suspicious, or an unattended bag, report these immediately so these can be resolved fast,” ani Cruz.

Pinayuhan ang mga pasahero na agad lumapit sa airport security o iba pang kinauukulang awtoridad upang mabilis na masuri at maaksyunan ang anumang posibleng banta. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles