Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

LPA, Habagat magpapaulan sa ilang bahagi ng PH ngayong Martes

Magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Martes ang low pressure area (LPA) at southwest monsoon o habagat, ayon sa weather bureau.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), namataan ang LPA sa paligid ng Baggao, Cagayan alas-3 ng madaling araw at malabong maging tropical cyclone sa susunod na 24 oras.

Batay sa Weather Advisory No. 11 na inilabas alas-11 ng umaga, posibleng makaranas ng 100 hanggang 200 millimeters na ulan ang Zambales, Bataan, Benguet, La Union at Pangasinan mula Martes hanggang tanghali ng Miyerkoles, August 5, dahil sa LPA.

Nasa 50 hanggang 100 mm naman ang inaasahang ulan sa Abra, Ilocos Sur, Ifugao, Mountain Province, Tarlac, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija at Pampanga.

Dahil sa Habagat, posibleng makaranas ng 50 hanggang 100 mm na ulan ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Batangas at Occidental Mindoro hanggang tanghali ng Miyerkoles.

Mula tanghali ng August 5 hanggang tanghali ng Huwebes, August 6, maaaring bumuhos ang 100 hanggang 200 mm na ulan sa Benguet at Occidental Mindoro.

Nasa 50 hanggang 100 mm naman ang inaasahan sa Ilocos Sur, Pangasinan, Abra, Ifugao, La Union, Zambales, Bataan, Mountain Province, Tarlac, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pampanga, Cavite, Batangas at Antique.

Mula tanghali ng Huwebes hanggang tanghali ng Biyernes, August 7, posibleng makapagtala ang Occidental Mindoro ng 100 hanggang 200 mm na ulan.

Maaari ring makaranas ng 50 hanggang 100 mm na ulan ang Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Benguet, Zambales, Bataan, Batangas at Antique.

Maaaring mas mataas ang aktuwal na buhos ng ulan sa mga bulubundukin at matataas na lugar. Posible ring lumala ang epekto sa mga lugar na nakaranas na ng malakas na pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

Samantala, patuloy na minomonitor ang Typhoon “DOLPHIN” sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Pinapayuhan ang publiko at mga lokal na disaster risk reduction and management office na subaybayan ang mga abiso ng Pagasa at gawin ang mga kinakailangang hakbang para maprotektahan ang buhay at ari-arian. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles