Nag-celebrate ng kanyang ika-46 na kaarawan ang Primetime King ng Kapuso network na si Dingdong Dantes last Aug.2.
Ayon sa nakalap ng BISTADO, isang simpleng selebrasyon with his family composed of his wife, Marian Rivera at two kids nilang sina Zia at Sixto.
“Sinalubong siya ng kanyang immediate family by having a cake with candle, simpleng greeting mula sa mga ito, kisses and hugs,” sey ng source ng BISTADO.
Dagdag pa nito, “may plan sila to have an out of the country trip within the year once makaluwag-luwag mga iskedyul nila at kapag okey na ang mga bagets from their school activities. Lagi namang kasali ang bakasyon abroad kada taon to celebrate everyone’s birthdays.”


Toprater pa rin sa GMA 7 ang action0 drama series ni Dingdong na The Master Cutter at kahit pa nga lagi itong trending at number onesa timeslot niya, “siyempre hindi kami kampante sa kung ano na lang meron. Kahit matagal pa itong magtatapos, we see to it na lahat ng angles na na-establish namin sa series ay sasagutin,” tsika ng isang executive ng naturang serye.
Kamakailan ay may mga lumabas na balita na nagkita at nagkausap sina Dingdong at ang Action King naman sa ABS-CBN na si Coco Martin.
Magkatapat man at direktang competitors ang mga action series nila, wala daw naging gusot o isyu sa dalawa.
Saad pa ng BISTADO source, “they are good friends. Very professional sila at mas concern nila ang future ng industry via AKTOR. May mga binubuo silang projects para sa kapakanan ng mga taga-industriya.”
Ang AKTOR ang samahan ng mga artista at showbiz workers kung saan Presidente si Dingdong.
Ayon pa sa same source, very cooperative at involved si Coco sa pagbibigay niya ng support at pag-pledge na kasama siya sa lahat ng magagandang visions and projects ng AKTOR.
“In fact, nagkakabiruan pa nga sila na baka posibleng kahit magkatapat ang mga action series nila ay pwede magkaroon ng crossover ang mga eksena nina Gabo (SIGABO ni Coco) at Atoy (The Master Cutter ni Dingdong), to show and prove na yung kompetisyon ay normal at healthy. May kani-kaniya silang audience at supporters kaya walang isyu,: hirit pa ng same source.
Sa ngayon ay abala pa rin si Dingdong sa kanyang daily show na The Family Feud at The Master Cutter. Mayroon din siyang ginagawang movie na kasama uli ang asawang si Marian, at may possible project nga sila ni Coco.
Very soon din ay muli niyang i-ho–host ang reality show na The Voice Kids Philippines kung saan may mga bagong judges o coaches silang i-introduce gaya nina Yeng Constantino at Gloc-9. Kasama pa rin si Julie Anne San Jose bilang coach habang magsisilbi namang journey host si Gabbi Garcia.
Ang GMA 7 na kanyang mother studio ay todo suporta sa lahat ng mga ito and in fact, ayon pa rin sa BISTADO source, mayroon na agad mga nakaline up na projects na sesentro sa mga advocates ni Dingdong ang planong gawin sa kanya ng Kapuso network.


