Naglabas ng kanilang opisyal na pahayag ang ABS-CBN ngayong Lunes, Agosto 3 hinggil sa mga naglabasang balita na diumano’y mapupunta na sa pamamahala ng network company ni Mr. Manny V. Pangilinan o MVP ang Kapamilya network.
Ayon sa kalatas na inilabas ng ABS-CBN nililinaw nilang walang anumang nagaganap na diskusyon tungkol sa paglilipat ng pamamahala ng kumpanya (ABS-CBN) kay Manny V. Pangilinan o sa MediaQuest/TV5.
Sa isang bahagi ng statement, bukod sa pagtanggi sa mga kumakalat na balita na ipapasa ang pamamahala ng kumpanya sa grupo ni Manny V. Pangilinan,
nilinaw din nila na walang anumang negosasyon o usapan kay San Miguel Corporation top honcho Mr. Ramon S. Ang, tungkol sa parehong “transfer of ownership o management.”
Naririto ang kabuuang statement na inilabas ng ABS-CBN Corporate Communications Office tungkol sa usapin:
“A news report published today makes several claims about ABS-CBN, including that the company’s management could be handed over to Mr. Manuel V. Pangilinan’s group.
This is not accurate. There are no discussions with Mr. Ramon S. Ang or Mr. Pangilinan on turning over the management of ABS-CBN to MediaQuest or TV5. Our relationship with Mr. Pangilinan and his affiliated companies is limited to our existing content partnership with TV5.
The report also states that more than ₱10 billion has been infused into the company since 2020. This is not correct. Lopez Inc. has invested less than ₱1 billion in ABS-CBN to date.”


