Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Eala hahamunin si Pegula sa DC Open finals

Patuloy ang mga bagong tagumpay ni Alexandra “Alex” Eala nang talunin nito ang No. 3 seed na si Naomi Osaka ng Japan, 6-4, 6-2, sa Mubadala (Washington) DC Open sa Amerika nitong Linggo ng madaling araw (oras sa Pilipinas).

Matapos ang isang oras at 16 minuto, pumasok na sa kanyang unang Women’s Tennis Association (WTA) Tour Level 500 at unang hardcourt final ang world No. 28 na Pilipina.

Haharapin ng 21-anyos si top seed Jessica Pegula ng Amerika sa finals sa Lunes ng madaling araw (oras sa Pilipinas).

Tinalo ni Pegula sa semifinals ang No. 4 seed na si Diana Shnaider ng Russia, 7-5, 6-4, para sa kanyang ikaapat na final ngayong season.

Lamang si Pegula sa head-to-head kay Eala matapos manalo sa kanilang nag-iisang paghaharap sa semifinal ng Miami noong nakaraang taon sa tatlong dikit na set, 7-6 (3), 5-7, 6-3.

Ngunit ibang manlalaro na ngayon si Eala kumpara noon. Pumasok siya sa laban sa Miami na nasa No. 140 sa world rankings. Makalipas ang isang taon, nasa career-high No. 28 na siya — isang ranggong lalo pang aangat matapos ang kanyang kampanya ngayong linggo.

Sa loob ng court, isa sa pinakamalaking umunlad sa kanyang laro ang kanyang serve mula nang maging full-time player sa tour.

Lubos na na-ipakita ang pag-unlad na iyon laban kay Osaka, na matagal nang kinikilalang isa sa pinakamahusay na servers sa tour.

Nangibabaw si Eala sa halos lahat ng aspeto: first-serve percentage (60% kumpara sa 54% ni Osaka), first-serve points won (71% laban sa 59%), at second-serve points won (79% laban sa 48%).

Apat na puntos lamang ang naibigay niya sa kanyang second serve sa buong laban.

“I think that my serve can be uncomfortable. I think I try to play around a lot with variety,” ani Eala sa post-match press conference. “Of course, it would be great if I had a serve that went 200 kilometers per hour. I’d love that also, but it’s a process. Who knows? I’m not going to put a cap on my serve. Maybe I will one day serve 200. You never know.”

“I like to look at it as a multi-dimensional thing. I have a variety of weapons in my bag. I think it’s also a good thing that I don’t rely on my serve alone, although I’m standing by that it’s dependable sometimes,” dagdag nya.

Humarap si Eala sa apat na break points — lahat ay sa ikaapat na game ng laban. Maliban doon, halos hindi siya matinag sa buong laban.

Maaga siyang nakakuha ng break para sa 2-1 kalamangan sa unang set. Bagama’t nakabawi si Osaka upang itabla sa 2-2, muling nakakuha si Eala ng break sa ikalawang huling game bago isinara ang set sa pamamagitan ng isang love hold.

Muli niyang na-break si Osaka sa pagbubukas ng ikalawang set at inulit ang parehong padron, kabilang ang isa pang break sa ikalawang huling game upang makuha ang pagkakataong magsilbi para sa panalo.

Naligtas ni Osaka ang isang match point sa pamamagitan ng forehand return winner, ngunit tuluyang tinapos ni Eala matapos iyon.

“Going into this tournament, I looked at the list, and it was jampacked,” ani Eala. “It was big player after big player after big player. So to be in the final really means a lot to me.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles