♈ ARIES (March 21–April 20) – Walang Monday blues para sa iyo dahil pabor ang araw sa bagong simula. Balikan ang diet o fitness plan, magsimula ng bagong proyekto sa trabaho at bigyang-buhay ang mga bagay na matagal nang napabayaan. Kasama rito ang iyong love life.
♉ TAURUS (April 21–May 21) – Hindi madaling matutunang mahalin ang sarili, pero sulit ang pagsisikap. Ang matibay na self-esteem ang iyong panlaban sa mga taong mahilig mangibabaw. Magugustuhan din ng partner ang bago mong kumpiyansa. Kung single, maaaring magsimula ang pag-ibig sa isang mapaghangang tingin.
♊ GEMINI (May 22–June 21) – Magkakaiba man ang iyong mga problema, iisa ang kailangan—maniwalang karapat-dapat ka sa pinakamabuti. Kapag buo ang iyong loob, mas madali mong mahihiling ang gusto mo. Ibahagi ang malikhaing ideya sa isang mahusay makinig dahil sa pag-uusap lilitaw ang kasagutan.
♋ CANCER (June 22–July 22) – Hindi ito ang panahon para paliguy-ligoy at magpatumpik-tumpik. Maging tapat at dumiretso sa pinakamabilis na paraan upang makuha ang magandang resulta. Sa pag-ibig, kailangan pa rin ng pasensiya habang nag-iisip ang partner o habang kinikilala ninyo ng bagong ka-date ang isa’t isa.
♌ LEO (July 23–August 23) – Simulan ang linggo sa paraang gusto mong ipagpatuloy ito. Kung may problema, kausapin agad ang tamang tao o ang nakatataas. Tandaan ang mga aral na matututuhan ngayon dahil magagamit mo ang mga ito sa hinaharap. Ang pananabik mo sa bagong karanasan ay magpapasigla rin sa pag-ibig.
♍ VIRGO (August 24–September 22) – Panahon nang tapusin ang bagay na matagal nang kumakain sa iyong oras. Mababawasan ang tambak na trabaho kapag malinaw ang iyong prayoridad. Pasimplehin din ang mga pagkain para sa mapiling mga bata upang makatipid sa oras. Isang love message sa umaga ang maaaring maging pangako para sa gabi.
♎ LIBRA (September 23–October 23) – Single ka man o may partner, tandaan na mayroon kang sariling landas. Panindigan ang iyong pasya at huwag basta magpatinag. Kapag nakita ng iba na hindi ka madaling paikutin, lalo kang igagalang. Sa paghahanap ng pag-ibig, piliin ang taong handang ipaglaban ka.
♏ SCORPIO (October 24–November 22) – Lalabas ang iyong tapang kapag may agarang hamon. Ang husay mo sa pagharap sa krisis ay mapapansin sa trabaho at maaaring magbukas ng oportunidad. Dagdagan din ang iyong malasakit sa personal na buhay, lalo na sa kaibigang may karamdaman. Magsuot ng pula para sa suwerte at pansinin.
♐ SAGITTARIUS (November 23–December 21) – Tingnan sa bagong anggulo ang mga problemang akala mo ay wala nang pag-asa. Maaaring gumana pa ang mga ito sa kaunting pagsisikap. Kung mas mabilis magsimula mula sa simula, huwag nang mag-antala. Nakaugnay ang suwerte sa numerong isa.
♑ CAPRICORN (December 22–January 20) – Kung palagi mong inuuna ang iba at sumasang-ayon sa gusto nila, panahon nang unahin ang sarili. Panindigan ang iyong pangangailangan kahit may tumutol. Ang paggawa ng mga bagay na tunay mong gusto ang magpapagaan sa iyong pakiramdam. Isang ladybug ang maaaring magdala ng pahiwatig sa pag-ibig.
♒ AQUARIUS (January 21–February 18) – Ang paniniwala sa sarili ang iyong pinakamalakas na puwersa ngayon. Isulat ang iyong mga mithiin at simulan ang mga hakbang upang matupad ang mga ito. Lumayo muna sa mga taong umuubos ng iyong lakas. Ang tunay na nakauunawa sa iyo ang unang susuporta sa iyong misyon.
♓ PISCES (February 19–March 20) – Likas kang mapangarapin, pero mahusay ka ring gumawa ng paraan. Kapag determinado kang makuha ang isang bagay, lumalabas ang iyong pagkamalikhain at karisma. Bagong trabaho man, usapin sa relasyon o personal na pangarap, kailangan mo lamang gawin ang unang hakbang. Tandaan, hindi ka nag-iisa.


