Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

MADDOX Jewelry Fashion Show, dinagsa ng celebrities

Umapaw ng mga showbiz celebrities at mga fashion models ang isang bulwagan sa Edsa Shangri La Hotel last Thursday, July 30.

Umabot ng 40 showbiz stars and fashion icons ang rumampa sa fabulous fashion show na inorganisa ng kumpanya ni Madam Charo Cordial ang may ari ng MADDOX Jewelry. 

Naimbitahan ang BISTADO sa bonggang event kung saan ipinakilala bilang mga mukha ng Maddox Jewelry ang 40 celebrities na inirampa nga ang mga ibat-ibang disenyo, sukat, laki, istilo. kinang. brilyo at functionality ng mga alahas na gawa o nababalot at may palamuting yari sa brilyante o diamante.

Sa direksyon ng sikat na fashion events director na si Robbie Carmona, na-i-showcase ng fashion show ang mga qualities ng pagkakaroon ng diamonds hindi lang bilang aksesorya sa katawan at mga damit, kundi ng kaugnayan nito sa personalidad, value, kalidad at inner spirit ng isang tao.

Madam Charo Cordial, owner ng MADDOX Jewelry.. kuha ng BISTADO

Nag-umpisa ang paglabas ng mga fashion models na mga babae at lalaki na naka sexy wear (bikini, two piece, brief at half naked bodies) ang mga ito to highlight the jewelries na suot nila sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan.

Mula sa hikaw, singsing, kwintas, bracelets, armlets, at mga nakasukbit sa suot nila, sasabihin ninyong milyones ang halaga ng mga makikinang na alahas.

Agad na rumampa in their sexy outfits sina Ryzza Cenon, Diego Loyzaga, AJ Raval na nakipag-moment sa stage with her partner Aljur Abrenica, then sina Kris Bernal, EA Guzman, Polo Ravales, Sheree Bautista, Pancho Magno, ang komedyanteng si Negi, at ang mag-asawang Aubrey Miles-Troy Montero.

fashion show director Robbie Carmona (second from left) with some friends from media, kuha ng BISTADO

Sumabog naman ang brilliance and elegance sa pagrampa ng mga female and male models na sinundan nina Katrina Halili, Diana Zubiri, Katya Santos, James Blanco, Nadine Samonte, Dina Meneses, Geneva Cruz, Giselle sanchez, at ang mga anak ni Madam Charo na sina Jiana at Avery Cordial.

Hindi naman nagpatalbog ang mala-dyosang peg ni Ara Mina na super sexy sa kanyang outfit, na talagang sinolo lang ang stage na pa-emote-emote habang ipinapakita ang kanyang mag suot na diamante.

Sa portion na silvery ang kulay ng mga outfits, talagang mga mistulang dyosa sa pagrampa sina Beauty Gonzales, Maureen Larrazabal, DJ Durano, Ynez Veneracion, Regine Tolentino na very alive sa mala-sayaw niyang rampahan, then pumasok ang action star na si Jeric Raval, Gary Estrada, at ang masasabi nating pinaka-beterana sa stage na si Alma Concepcion bilang sanay na sanay ito bilang isang beauty queen.

Sa portion na ito napuno ng palakpak at halakhak dahil kakaiba din ang awra ni Claudine Barretto na consistent sa kanyang pagpapayat pa. She still has it pagdating sa ganda at stage presence. Talagang titigan mo ang ginagawa niya.

Kaya naman hindi nakapgatataka kung may kakaibang eksenang ginawa ang komedyanteng si Pokwang na kinaaliwan ng mga manonood.

At dahil si Claudine ang biggest star sa batch na iyan siya siyempre ang may pinaka-bonggang last shot kumbaga at hindi naman niya binigo ang mga manonood.

Pero siguro mas appreciated and admired nang mga mahihilig sa classic ang last batch. 

From Amy Austria na isa sa pinaka-respetadong aktres sa showbiz sinundan  siya nina Jackie Lou Blanco, Yayo Aguila, Gardo Versoza, Eppie Quizon, Eric Quizon at ang sikat na tandem sa TV ng Dick and Carmi na sina Roderick Paulate at Carmi Martin na sobera ding kinagiliwan sa pagsayaw-rampa nila sa sikat nilang dance tune na kanta ni Rick astley- Never Gonna Give You Up.

Nagtapos ang fashion show sa pag-introduce ng owner na si Madam Charo Cordial sa 40-stars bilang mga ICONS ng MADDOX Jewelry.

Karamihan din sa mga icons na ito ay may collaboration sa Maddox either as a co-designee or partner sa negosyo.

Ang seremonya ay hinost ng magaling at sikat na broadcaster na si Madam Korina Sanchez-Roxas.

bukod sa mga celebrities and fashion models na rumampa, marami ding mga kilalang personalidad ang nasa audience gaya nina Nadia Montenegro, Jao Mapa, Kitkat, Susan Enriquez, Anjo Pertierra, Anjo Yllana, mga TV producers, top brand ambassadors at mga kaibigan sa multimedia, kasama na ang BISTADO.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles