♈ ARIES (March 21–April 19) – Lilitaw ang tunay na kulay ng isang pagkakaibigan. Maaaring patunayan ng isang tao na karapat-dapat siyang pagkatiwalaan, pero posible ring mapagtanto mong kailangan nang lumayo sa relasyong umuubos lamang ng iyong energy.
♉ TAURUS (April 20–May 20) – Makikita na ang resulta ng matagal mong pagsisikap sa career. Posibleng dumating ang promotion, approval sa isang proyekto o pagkilalang hinihintay mo. Enjoyin ang tagumpay dahil pinaghirapan mo ito.
♊ GEMINI (May 21–June 20) – Mas malinaw na ngayon ang malaking pangarap at mga hakbang na kailangan mong gawin. May kumpiyansa kang sumugal sa bagong direksiyon, negosyo o paglalakbay. Ituring ang araw na ito bilang simula ng bagong journey.
♋ CANCER (June 21–July 22) – Panahon nang magtakda ng boundaries, lalo na sa pera. Kung may taong may utang o obligasyon sa iyo, huwag nang hintaying kusang kumilos siya. Magsalita at ipaglaban kung ano ang nararapat sa iyo.
♌ LEO (July 23–August 22) – Mataas ang kumpiyansa mo, pero masusubok ang isang mahalagang relasyon. Kung matibay ang samahan, lalo itong lalakas. Kung wala nang direksiyon, magiging malinaw na oras na para bumitaw at gumawa ng puwang para sa mas angkop na koneksiyon.
♍ VIRGO (August 23–September 22) – Kailangan mong mag-reset at mag-recharge bago muling sumabak. Huwag piliting magtrabaho kung ubos na ang energy. Unahin ang pahinga at self-care para makabalik kang may malinaw na isip at bagong layunin.
♎ LIBRA (September 23–October 22) – Huwag masyadong seryoso dahil araw ito para magsaya at maging creative. Maglaan ng oras sa arts, hobbies o isang lighthearted date. Ang kaunting playfulness ang magbabalik ng sigla sa araw mo.
♏ SCORPIO (October 23–November 21) – Liliwanag ang desisyon tungkol sa bahay, pamilya o living arrangement. Maaaring dumating ang impormasyong kailangan mo para lumipat o gumawa ng pagbabago. Pagtiwalaan ang instincts at huwag hayaang pigilan ka ng takot.
♐ SAGITTARIUS (November 22–December 21) – Panahon nang kumawala sa sitwasyong nagpaparamdam na stuck ka. Maging bukas sa biglaang pagkakataon dahil maaari itong magdala sa mas magandang yugto ng buhay. Ibalik ang natural mong tapang at optimism.
♑ CAPRICORN (December 22–January 19) – Ituon ang pansin sa income, budget at spending habits. Tingnan kung naaayon pa ba ang gastos sa kinikita mo. Iwasan ang impulsive purchases at dagdagan muna ang ipon.
♒ AQUARIUS (January 20–February 18) – Nasa iyo ang spotlight at mapapansin ng iba ang malaking pagbabago sa iyong kumpiyansa at pagkatao. Makikita mo rin kung gaano na kalayo ang iyong narating. I-enjoy ang recognition at huwag matakot ipakita ang bagong ikaw.
♓ PISCES (February 19–March 20) – Handa ka nang ibahagi ang mahalagang bagay na matagal mong kinikimkim. Hindi kailangan ng malaking announcement; sapat nang magsabi sa pinagkakatiwalaang kaibigan o kapamilya. Mas gagaan ang pakiramdam kapag inilabas mo ito.


