Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

2 most wanted rape suspects sa Soccsksargen, tiklo

Dalawang most wanted persons na nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa panggagahasa ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa General Santos City at South Cotabato.

Isinagawa ang dalawang pag-aresto noong Hulyo 26 bilang bahagi ng kampanya ng PNP laban sa mga akusado sa mga krimen laban sa kababaihan at mga bata.

Sa Barangay Calumpang, General Santos City, naaresto ng mga tauhan ng Police Station 10 ng General Santos City Police Office at General Santos City Highway Patrol Group ang isang 46-anyos na lalaki.

Nakabatay ang pag-aresto sa warrant na inilabas laban sa kanya para sa mga kasong rape by sexual assault, statutory rape at acts of lasciviousness kaugnay ng Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Nakalista ang lalaki bilang No. 9 Regional Most Wanted Person at No. 1 City Most Wanted Person.

Sa hiwalay na operasyon sa Purok Mabuhay, Barangay Ambalgan sa bayan ng Sto. Niño, South Cotabato, nadakip naman ang No. 9 Provincial Most Wanted Person at No. 2 Municipal Most Wanted Person.

Nahaharap ang akusado sa kasong attempted qualified rape sa ilalim ng warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 44 sa Surallah, South Cotabato.

Pinagsanib na puwersa ng Sto. Niño Municipal Police Station, 2nd South Cotabato Provincial Mobile Force Company at South Cotabato Provincial Intelligence Unit ang nagsagawa ng operasyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles