Binatikos ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kinondena ang pag-aresto sa 51 katao sa People’s SONA sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Sa pahayag nitong Martes, July 28, kinuwestiyon ng grupo ang umano’y mabagal at piling imbestigasyon sa korupsiyon.
“The recent SONA showed how corruption probes are held hostage by power plays, secret negotiations, and shameless plotting to evade accountability,” pahayag ng BAYAN.
Binatikos nito ang hindi pagbanggit ni Marcos sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa usapin ng kuryente, iginiit ng BAYAN na hindi sapat ang panukalang amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act.
“Amending EPIRA is not enough. We reiterate the demand for the urgent repeal of EPIRA,” ayon sa grupo.
Tinuligsa rin nito ang hindi pagsuspinde ng value-added tax sa langis, kuryente at pangunahing bilihin sa gitna ng energy emergency.
Pinakamadiin ang BAYAN sa pag-aresto sa 51 demonstrador, kabilang ang mga kabataang artist na inakusahan ng vandalism at iba pang paglabag. Ayon sa pulisya, may mga nilabag umanong batas at lokal na ordinansa ang mga inaresto.
“We condemn the arbitrary actions of the police, which conducted an arrest in the middle of the People’s SONA and indiscriminately arrested young artists accused of vandalism,” pahayag nito. /Bistado


