Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Joint venture ng IGNITE at SOCOTECO II, aprub sa mahigit 32K coop members

GENERAL SANTOS CITY — Mahigit 32,000 miyembro ng South Cotabato II Electric Cooperative (SOCOTECO II) ang nagpahayag ng suporta sa panukalang joint venture ng kooperatiba at IGNITE Power.

Inaprubahan ang panukala sa 43rd Annual General Membership Assembly na ginanap sa General Santos City at Sarangani Province.

Pinagtibay din ng mga miyembro ang resolusyong nagbibigay ng awtoridad sa SOCOTECO II na pumasok sa Conditional Joint Venture Agreement (CJVA) kasama ang IGNITE Power, ang pinagsamang kumpanya ng Primelectric Holdings at MP Holdings.

Ang IGNITE Power ay partnership ng Primelectric Holdings Inc. ni businessman Enrique Razon Jr. at MP Holdings ni boxing icon Manny Pacquiao.

Ayon kay SOCOTECO II Board President Elenito Senit, layunin ng kasunduan na tugunan ang matagal nang problema ng kooperatiba sa pananalapi at mga pasilidad.

Sa ilalim ng panukala, maglalagak ang IGNITE Power ng bagong puhunan para kumpunihin at gawing moderno ang lumang distribution system ng kooperatiba.

Kabilang sa mga planong hakbang ang pagpapalawak ng mga substation at feeder, pagpapalit ng mga sirang kagamitan at pagpapahusay sa pagiging maaasahan ng suplay ng kuryente sa General Santos City, Sarangani at mga kalapit na lugar.

Inaprubahan din ng mga miyembro ang isang resolusyon na humihiling ng agarang pagsasagawa ng plebisito upang ang mga consumer-members mismo ang magpasya kung tuluyang itutuloy ang kasunduan. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles