Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sen. Robin Padilla, laging ipinapahamak ang sarili, pero nanguna pa rin sa survey; asawang si Mariel, ‘blind follower na rin?’

Sa ongoing impeachment trial laban kay VP Sara Duterte sa Senado ay isa nga si Sen. Robin Padilla sa madalas na napupulaan, binabatikos at lamang ng mga ‘memes” sa social media.

Last July 22 hearing, muli na namang nagpasabog ng kanyang mga kakaibang atake ang Senador partikular na ang statement niyang, “sana hindi one-sided ang prosecution

Binaha ng bashing ang aktor-pulitiko lalo na ng mga patuloy siyang tinatawag na pinaka-bobong Senador na inihalal ng milyon-milyong katao

Mula sa mga kapwa celebrities sa showbiz, hanggang sa mga estudyante, professional at iba pang nakatutok sa Senate impeachment trial ay wala na ngang magandang sinabi sa Senador na laging nagpapakita ng tikas at tapang kahit na nga “kulang o kapos” ito sa kasanayan ng mga parliamentary procedures at iba pang bagay sa legal na pagdinig.

Sa kanyang FB account ay ipinaliwanag ni Robin na ang nais niyang sabihin sa kanyang tinuran ay maging parehas sana ang prosection sa paghahanap ng katotohanan at maprotektahan ang inosente o walang sala

Nag-ugat kasi ang naturang statement nang tanungin ni Robin si prosecutor  Gerville Luistro na kung ang dati bang na-convict o may record ng conviction ay matatawag pang reliable o credible witness at hindi puwedeng ma-disqualify?

Sinagot naman ito ni Luistro na ang sinumang may record ng conviction ay hindi puwedeng ground for disqualifying a witness. 

Doon na nga tinuran ni sen. Robin na sana nga ay hindi maging one-sided ang prosecution.

Sari-saring interpretasyon ang mga netizen at bumatikos kay Robin. Bukod sa tinawag itong bobo ay ipina-alam sa Senador na mayroon at mayroong pinapanigan ang bawat Prosecutor at Defense team sa paghahanap ng katotohanan

Gaya daw sa isang korte, mereseng mag-prisinta ng mga ebidensyang hindi pabor sa ilan, pero kung mailulusot sa husgado ay posibe pang manalo.

Sabay ding lumabas nitong July 22 ang latest survey na inilabas ng Pulse Asia hinggil sa posibleng kandidato sa pagka-Senador sa 2028.

Muling nanguna si Robin na may nakuhang 48.4% na sinundan ni Pasig City Mayor Vico Sotto, na may 47.9%.

Mula sa 53 names na ipinakita sa mga respondents, lumabas sa listahan sina Raffy Tulfo, Alan Cayetano. Loren Legarda, Manny Pacquiao, Nancy Binay, sonny Angara, Mark Villar, Ben Tulfo, Jinggoy Estrada, Willie Revillame, Chiz Escudero. Mike Defensor, Mar Roxas, Benhur Abalos at Mark Lapid.

Samantala, invested din at nadadamay ang dating sikat na TV-host actress na si Mariel Rodriguez-Padilla, asawa ng Senador dahil kahit ito ay nakakatanggap ng negative bashing at tinatawag na ding nahawa na sa kabobohan umano ng asawa.

Kamakailan nga lang ay matindi din ang inabot nitong batikos nang after nitong i-unfollow sina Angel Locsin at Anne Curtis ay ni-like nito ang mga negative namang komento laban kina Angel at Anne kung saan tinawag din ng netizen na mga laos na at papansin

Recently, ni-repost at ni-like din ni Mariel ang mga posts nina Rommel Padilla at Joshua Garcia (na kalauna’y binura na din ng aktor) kaugnay pa rin ng suportang post nila para kina Robin at VP Sara Duterte.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles