Handa ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa pagsusuri sa pondong nagkakahalaga ng PHP 2.08 bilyon para sa pagho-host ng bansa sa 2019 Southeast Asian Games (SEAG).
Naglabas din ang PHISGOC ng isang sertipikasyon mula sa Philippine Sports Commission (PSC) na nagpapatunay na ganap na liquidated ang nasabing halaga.
Sinabi ni 2019 PHISGOC president at chief operating officer Ramon Suzara na matagal nang nakumpleto, naisumite at sumailalim sa independiyenteng pagsusuri ang mga rekord ng organisasyon.
Nakahanda silang makipagtulungan sa anumang lehitimong imbestigasyon, ani Suzara.
“The 30th edition of the Southeast Asian Games was staged from November 30 to December 11, 2019, and although post-Games obligations and responsibilities were delayed by the pandemic, the PHISGOC, according to PSC chief accountant Erik Mayores, was fully liquidated in March 2022,” ayon sa pahayag ni Suzara.
“This is to certify that based on the records of the Accounting Division of the Philippine Sports Commission, the PHISGOC Foundation has submitted all (100%) of the liquidation reports covering the financial assistance granted by the PSC in connection with the hosting of the 30th SEA Games amounting to PHP2.082 billion,” ayon sa sertipikasyon ng PSC, na may petsang Hulyo 20, 2026.
Sinabi ni Suzara na ang lahat ng dokumentong pinansyal ng PHISGOC ay na-audit ng independiyenteng PricewaterhouseCoopers /Isla Lipana & Co.
Bukod sa mga dokumento, sinabi ng PHISGOC na ang naging rekord ng mismong pagho-host ang pinakamalakas na patunay ng organisasyon.
Tinapos ng Pilipinas ang 2019 SEA Games bilang overall champion matapos makakuha ng 149 na gintong medalya, 117 pilak, at 121 tanso (kabuuang 387 medalya) na pinakamatagumpay na kampanya ng bansa sa kasaysayan ng SEA Games.
“It was a multi-agency, multi-department organization whose main purpose was for a successful hosting by the Philippines. We achieved this and the entire country rejoiced,” ani Suzara.
Ang mga pasilidad sa New Clark City (NCC) sa Capas, Tarlac, ay patuloy na napapakinabangan ng mga atletang Pilipino at nananatiling tanging mga venue sa bansa na may internasyonal na sertipikasyon para sa athletics (World Athletics, certified Class 1) at aquatics (World Aquatics, dating FINA), dagdag pa ni Suzara.
Ibig sabihin, may kakayahang magdaos ng mga kompetisyon hanggang sa antas ng rehiyon ang NCC.
“The NCC sports facilities were a milestone project built by the Bases Conversion and Development Authority (BCDA) in a record 18 months and were built in time for the Games,” Suzara said.
Sinabi ng PHISGOC na handa itong tugunan ang anumang partikular na alegasyon sa pamamagitan ng mga wastong proseso sa oras na pormal itong ihain. Nakahanda rin itong ilabas ang mga rekord para sa anumang lehitimong imbestigasyon.
Ang kasalukuyang Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang presidente at chief executive officer ng BCDA mula 2016 hanggang sa huling bahagi ng 2021.
Sakop ng kanyang termino ang pagpapagawa ng NCC para sa 2019 SEAG.
Bukod kay Suzara, kukwestyunin din ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Dexter Estacio at John Lester Buenconsejo na mga naging opisyal ng PHISGOC.
Ayon sa NBI, ang imbestigasyon ay sesentro sa unliquidated funds, halaga ng mga imprastraktura at mga transaksyon ng PHISGOC.


