Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Lea Salonga-Nora Aunor, pangalan na ng mga halaman

May mga bagong specie ng halaman na kailan lang ay natuklasan ng mga “orchidologist at mga horticulturist” na kakaiba sa iba pang mga kilalang halaman na nabuhay nitong mga nakaraang dekada.

Sa isang lugar sa Surigao del Sur sa Mindanao ay natagpuan ng mga orchid growers ang halamang tinatawag nilang Dendrobium.

Ayon sa ulat, “this beautiful hybrid orchid is part of the Dendrobium genus, created by breeding Dendrobium D’Bush Pansy with Dendrobium williamsianum.”

Opisyal itong na-i-catalogue at na-recognize sa database ng orchid.

Ang pagpangalan ng mga kilalang tao sa mga halaman ay matagal ng tradisyon ng mga horticulturist. Dumedepende na lang ito sa mga katangian ng halaman na kagaya ng mga katangian ng kinikilalang personalidad at sa naibigay nitong ‘impact’ sa kulturang Pinoy.

Kilala ang mga orchids sa Pilipinas bilang ilan sa mga pinaka-magaganda sa buong mundo na kadalasan ay sumisimbolo sa pag-ibig, kagandahan at kayamanan.

Kaya naman ang bagong tuklas na Dendrobium ay tatawagin na ngayong “Dendrobium Lea Salonga”, dahil na rin sa tinataglay nitong mga katangian na gaya kay international renowned artist Lea Salonga.

Samantala, ang kaparehas na pagpangalan ay ibinigay din ng mga orchid growers sa isang halaman na may distinct ding mga katangian.

Ito naman ang Begonia, na gayo’y tatawagin na ding “Begonia noraaunorae.”

Ayon sa Scientific classification nito, mula ito sa Kingdom:Plantae,  Clade:Embryophytes, Clade:Tracheophytes, Clade:Spermatophytes,

Clade:Angiosperms, Clade:Eudicots, Clade:Rosids, Order:Cucurbitales

Family:Begoniaceae, Genus:Begonia at Species:B. noraaunorae

Ang Binomial name nga nito ay ‘Begonia noraaunorae.’

Ayon nga sa ulat, “Begonia noraaunorae is an endemic species of Begonia found in Surigao del Sur, Mindanao Island, Philippines.The species was compared to B. negrosensis Elmer, from which it resembled by its glabrous stems, leaves that are obovately oblong in shape and with sparse hairs, the lamina with glossy surface adaxially and light green abaxially, the staminate flowers having 2 tepals, the pistillate flowers having 5 petals, and the green ovaries.

“However, this species differed from B. negrosensis by its larger leaves with scattered light green patches, shorter stems, a much larger, serrated lamina, shape of tepals of staminate flower, and longer ovary with no subtending bracteoles.The species is named after the Filipina actress and National Artist, Nora Aunor.The species is classified under IUCN Red List criteria as Vulnerable.”

Namumulaklak ang naturang halaman tuwing April hanggang June.

Nabubuhay ang noraaunorae sa mga limestone rocks sa madadamong bahagi ng mga kagubatan. Endemic ito sa probinsya ng Surigao del Sur.

Kilala din ito sa local name na amampang or as amamampang, ang Bisaya at Subanen term na ang ibig sabihin ay nabubuhay sa “cliff.”

Ayon pa sa mga lokal, ang mga dahon nito ay ginagamit na gamot sa ubo habang ang mas bata nitong dahon ay ginagamit ding pansahog sa paksiw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles