Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sen. Erwin Tulfo sa SONA: Pengeng update sa graft cases, perang nabawi

Inaasahan ni Sen. Erwin Tulfo na iuulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa State of the Nation Address (SONA) ang mga kasong isinampa laban sa mga sangkot umano sa katiwalian at ang pondong naibalik sa gobyerno sa pamamagitan ng restitution.

Sa interview sa Senado nitong Miyerkules, sinabi ni Tulfo na may mga indikasyong kumikilos na ang administrasyon sa pamamagitan ng Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman.

“Mga sinabi ng Pangulo about corruption, and I think they are doing something about it,” ani Tulfo nang tanungin kung ano ang nais niyang marinig sa SONA.

Ayon sa senador, posibleng may mga kaso at restitution efforts na hindi pa naiuulat sa publiko. May impormasyon umano siyang ilang respondent ang inutusang magsauli ng halagang umaabot sa P1 bilyon at P500 milyon.

Nilinaw ni Tulfo na wala siyang kumpirmadong bilang kung magkano na ang nabawi ng pamahalaan.

“Pero so far, ayon sa bali-balita, parang several billions na iyong kanilang nakukuha para sa restitution,” aniya.

Umaasa siyang lilinawin sa SONA ang dami ng mga kasong naisampa, halagang sinisingil o nabawi at susunod na hakbang ng pamahalaan laban sa katiwalian.

Tiniyak din ni Tulfo na itutuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa mga kuwestiyonableng flood-control project matapos ang SONA.

“Meron po talaga tayong flood control investigation. Hindi tayo umiiwas. We will conduct an inquiry. I promise you,” ani Tulfo.

Kailangan munang mabuo ang miyembro ng komite at makapili ng vice chairperson bago pormal na simulan ang pagdinig. Inaasahang matatapos ang pagbuo sa komite matapos ang SONA. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles