Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Palasyo: SONA 2026 magiging simple pero may dangal 

Simple pero may dignidad ang magiging programa para sa ikalima at pangalawa sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 27, ayon sa Malacañang.

Walang celebrity director at hindi rin magtatanghal ang malalaking artista sa taunang pagtatalumpati ng Pangulo.

Sinabi nitong Lunes ni Palace Press Officer Claire Castro na nakikipag-ugnayan ang Malacañang sa House of Representatives, na siyang magho-host ng pambansang okasyon.

“Ang gagawin lang natin sa gagawing SONA ay simple lamang po at wala pong celebrity directors or mga big A-listers na magpe-perform,” ani Castro sa Palace press briefing.

“So, simple lang pero dignified ang gagawin pong pagsasagawa po ng isang national event katulad po ng SONA,” dagdag niya.

Tinanong din si Castro tungkol sa estado ng talumpati ni Marcos. Hindi siya nagbigay ng detalye, ngunit sinabi niyang nagpapatuloy na ang paghahanda.

May napili na ring aawit ng pambansang awit sa programa, bagaman hindi muna pinangalanan ng opisyal ng Palasyo ang performer.

Ihaharap ni Marcos ang kanyang ikalimang SONA sa joint session ng Kongreso sa July 27. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles