Hindi nga pinalampas ng mga Padilla ang naging hanash ni Angel Locsin kontra Sen. Robin Padilla kamakailan.
Nitong July 16, ay maagap na nag-post si Rommel Padilla, kuya ni sen. Robin at ama ni Daniel Padilla, nang tugon nito sa mahabang kuda ng inactive na actress na si Angel.
Maiksi, subalit nail-biting at tagos ang naging saloobin ni Rommel.
Sey nito sa kanyang FB post,
“Nag-ingay si Angel Locsin sa issue ni Robin pero tahimik siya sa baha, nakawan at flood control. Angel yung pinagtanggol ni Robin, inelect ng 32M vs pansarili mong issue. Akala ko matalino, pang-Darna ka lang pala talaga. Ding, ang bato.”
Ayon pa sa kalakip na hashtag ni Rommel, “#Realtalk”.
Mixed ang naging reaksyon ng mga netizen sa naturang post reaction ni Rommel.
May mga nag-agree at nagsabing tila nagiging ‘clout chaser’ na din itong si Angel o baka daw nagbabalak na magbalik-showbiz kaya nag-iingay.
May mga nangantiyaw pa ngang “selective” daw ang aktres sa pag-call out ng mga dapat nitong kino-kol out sa gobyerno, lalo na dun sa mga lider o nasa posisyon na malapit sa kanya o sa interes ng negosyo ng asawa niya.
Marami naman ang naglabas ng resibo o ebidensya na kahit inactive na si Angel ay consistent ito sa pagtulong sa mga nagiging biktima ng bagyo, baha, sunog at iba pang dati nitong ginagawa noong sikat pa ito bilang artista.
Samantala, pinag-usapan din ang pag-unfollow ni Mariel Rodriguez-Padilla, asawa ni Robin sa socmed ni Angel.
Hindi man nagbigay reaksyon si Mariel sa litanya ni Angel ay itinuring naman itong normal at natural na reaksyon ng isang supportive and loving wife sa husband niya, ayon sa mga netizen.
Subalit may ilan namang Marites o mga tsismosa na kaya daw hindi na ito pinatulan pa ni Mariel ay baka daw biglang mag-boomerang kay Mariel ang anumang tsika na baka isa din si Angel sa mga dating pinormahan o baka nga daw naka-relasyon ni Sen. Robin.
“For her to make sumbat to Robin na para bang pinalalabas niyang nagkaroon sila ng something is really disturbing ha. Sa tagal ng panahon na nagdaan bakit ganun ang tono ng hanash ni Angel. Para bang may utang sa kanya si Robin,” komento ng mga intrigera’t intrigero.


