Hindi pinalampas ng mga umaming DDS supporters ang hanash ni 1969 Ms Universe Gloria Diaz sa pagpuna nito kay Sen. Pia Cayetano.
Sa isang pinag-uusapang socmed post mula sa Bilyonaryo News Channel ay nagkomento nga ni Diaz na naiirita siya sa boses ni Sen. Pia, kaya’t dapat na daw itong ikulong.
Ang naturang BNC reel na may komento ni Diaz ay hindi na mababasa o makikita sa ngayon, subalit maraming netizen ang nakapag-screen shot nito.
Ganito nga ang naging komento ng dating Miss Universe kointra Sen. Cayetano:
“You are KSP ! Your voice is irritating grabe dapat ikulong itong taong ito! Madrama! Ugh.”
Ang usapin ay nag-ugat sa balitang sinabi ni Cayetano na normal na sa kanilang magkapatid na Senador ang humarap sa maraming mga iskandalo.The latest nga daw ay itong may kaugnayan sa pagpapa-imbestiga kay Sen. Alan kaugnay ng pagkakadawit ng kanyang kapatid sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ang naturang imbestigasyon ay may kaugnayan sa pagho-host ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games, kung saan nagsilbing chairperson ng organizing committee si Sen. Alan.
Sa gitna nga ito ng nangyayaring impeachment trial laban kay VP Sara Duterte, kung saan nga ang mga Senator-judges na identified sa Bise Presidente ay tila ginagawan at hinahanapan ng mga kaso na posibleng magdala sa kanila sa kulungan gaya nina Sen. Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta.
Sa pagpapahayag ni Sen. Pia sa ginagawa ng NBI at Ombudsman laban sa kapatid ay isa nga si Diaz sa mga netizen na nagbigay ng kontrang pahayag at tila naging personal pa dahil “boses: at pagiging KSP (kulang sa pansin) at dapat na itong ikulong” ang laman ng komento ni Diaz.
Marami mang mga natuwa, naaliw at pumabor sa statement ni Diaz, marami din namang mga nagpakilalang DDS ang sumopla sa kanya.
Isa na dito si dating Comelec at COA Commissioner Rowena Guanzon. Sigaw nito sa kanyang Youtube channel:
“Gloria Diaz, mag-Senador o abogado ka muna bago ka manglait ng boses ni Sen. Pia Cayetano. Sa tanda mong iyan, Marcos ka pa rin?”
Sinundan na nga ito ng napakaraming bashing citing examples kung gaano din ka-irritating ang acting voice ni Diaz na tinawag pa nilang “ham actress” at malayo umano sa liga ng mga award-winning acting icons.
Pero ang karamihan sa mga bashing ay naka-konek sa diumano’y “pakinabang” na nakukuha ng pamilya ni Diaz.
Ipinaalala ng maraming netizen na since day one daw at kahit matagal ng patay ang dati nitong asawang si Bong Daza, never itong pinabayaan ni ngayo’y President Bongbong Marcos.
“Ikaw na ang naging bff (best of friends) ni BBM. Hindi ba lahat ng kalokohan, mga kaeklayan nila noong araw as BFF ay lantad naman sa public? Kaya nga halos anak na rin ang turing ni BBM kay Isabelle (anak nina Diaz at Daza). Yung tipong kahit ano siguro ang hilingin niyan sa gobyerno ay pagbibigyan. O baka nga meron na hindi lang napa-publish,” reaksyon ng mga netizen.
Wala na nga ang nasabing post-reply ni Diaz, pero pinag-uusapan pa rin ito sa socmed hanggang sa ngayon.


