Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa patuloy na malalakas na ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa Tropical Cyclone Inday at Southwest Monsoon o Habagat.
Sa Weather Advisory No. 16 na inilabas alas-11 ng umaga nitong July 10, sinabi ng Pagasa na maaaring makaranas ang Batanes ng 50 hanggang 100 millimeters na ulan mula ngayong araw hanggang Sabado ng tanghali, July 11, dahil kay Inday.
Dahil naman sa Habagat, posibleng makaranas ng heavy to intense rainfall o 100 hanggang 200 millimeters na ulan ang Occidental Mindoro at Antique mula ngayong araw hanggang Sabado ng tanghali.
Sa parehong period, inaasahan ang moderate to heavy rainfall o 50 hanggang 100 millimeters na ulan sa Zambales, Bataan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Oriental Mindoro, Romblon, Palawan, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, Zamboanga del Sur, Lanao del Norte, at Lanao del Sur.
Mula Sabado ng tanghali hanggang Linggo ng tanghali, July 12, posibleng makaranas ng heavy to intense rainfall ang Occidental Mindoro, Zambales, at Bataan.
Sa parehong period, posibleng tumama ang moderate to heavy rainfall sa La Union, Pangasinan, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Oriental Mindoro, Romblon, Palawan, Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, at Negros Occidental.
Mula Linggo ng tanghali hanggang Lunes ng tanghali, July 13, posibleng manatili ang heavy to intense rainfall sa Occidental Mindoro, Zambales, at Bataan.
Aasahan din ang moderate to heavy rainfall sa La Union, Pangasinan, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Oriental Mindoro, Romblon, Palawan, Aklan, at Antique.
Ayon sa Pagasa, maaaring mas mataas pa ang rainfall sa mga mountainous at elevated areas. Maaari ring lumala ang epekto ng ulan sa mga lugar na nakaranas na ng significant antecedent rainfall.
Pinayuhan ng Pagasa ang publiko at mga concerned na disaster risk reduction and management offices na gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang protektahan ang buhay at ari-arian. /Bistado


