Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa patuloy na malalakas na ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa Tropical Cyclone Inday at Southwest Monsoon o habagat.
Sa Weather Advisory No. 13 na inilabas alas-5 ng hapon nitong July 9, sinabi ng Pagasa na maaaring makaranas ang Batanes ng 50 hanggang 100 millimeters na ulan mula Friday afternoon hanggang Saturday afternoon, July 11, dahil kay Inday.
Dahil naman sa habagat, posibleng makaranas ng 50 hanggang 100 millimeters na ulan mula ngayong araw hanggang Friday afternoon, July 10, ang Occidental Mindoro, Antique, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, Zamboanga del Sur, Lanao del Norte, at Lanao del Sur.
Mula Friday afternoon hanggang Saturday afternoon, July 11, posibleng tumama ang mas mabigat na ulan sa Occidental Mindoro at Antique, na maaaring makaranas ng 100 hanggang 200 millimeters na rainfall.
Sa parehong period, inaasahan ang 50 hanggang 100 millimeters na ulan sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, Romblon, Palawan, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, Zamboanga Sibugay, at Zamboanga del Sur.
Mula Saturday afternoon hanggang Sunday afternoon, July 12, posibleng makaranas ng 100 hanggang 200 millimeters na ulan ang Occidental Mindoro, Zambales, at Bataan.
Sa parehong period, posibleng umulan ng 50 hanggang 100 millimeters sa La Union, Pangasinan, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, Romblon, Palawan, Aklan, at Antique.
Ayon sa Pagasa, maaaring mas mataas pa ang rainfall sa mountainous at elevated areas. Maaari ring lumala ang epekto ng ulan sa mga lugar na dati nang nakaranas ng significant antecedent rainfall.
Pinayuhan ng Pagasa ang publiko at mga concerned na disaster risk reduction and management offices na gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang protektahan ang buhay at ari-arian.
Maaari ring maglabas ang Pagasa Regional Services Divisions ng Heavy Rainfall Warnings, Thunderstorm Advisories, at iba pang severe weather information para sa kani-kanilang areas of responsibility. /Bistado


