Kumakalat ngayon ang post ng isang co-auditionee ng magandang dilag nina Aga at Charlene Muhlach na si Atasha, bilang napiling bida sa musical play na Annie Batungbakal.
Ayon sa naging post reply ng isang nagpakilalang Rachel Libres sa trending na post ng Newport World Resorts, ang venue ng pagdarausan ng musical, hindi umano nakita o namataan man lang ni Rachel si Atasha sa two-day audition para sa main lead na Annie Batungbakal.
“No hate po, but I was there during the two-day casting process, and I didn’t see Atasha in either days’ auditions,” parte pa ng post reply ni Rachel sa nagtanong kung sino-sino diumano ang mga iba pang nakalaban ng aktres-host sa naturang main lead role?
Nagdaos na ng isang grand media presscon para sa musical event na magaganap ngayong September at iprinisinta na nga ang buong cast ng play na tatawaging “Bongga Ka, ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical.”
Ang musical ay hango sa klasikong 1979 movie na pinagbidahan ni National Artist Nora Aunor at nagsilbi ding behikulo para sa mga klasikong kanta at sayaw noong 70’s na nagpapatatag ng Manila Sound hanggang sa mapalago ang OPM o Original Pilipino Music gaya ng ‘Annie Batungbakal, ‘Bongga Ka Day, among others.
Pangungunahan nga ni Atasha ang musical kasama din ang mga leading men niyang sina Sam Concepcion, KD Estrada, Jeff Moses, at Anthony Rosaldo.
Supporting Cast includes veterans like John Lapus at Jackie Lou Blanco sa direksyon ni Chris Millado.
Bukod sa mga nabanggit na songs sa itaas na pinasikat ng bandang Hotdog, asahan daw nating bibigyan ng bagong tunog at mga dance steps ang iba pang classic hit songs gaya ng “Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko”, at Manila, at iba pang tunog noong 70’s at 80’s.
Sa pinag-uusapang audition at pagkakuha ni Atasha ng lead role, marami ang nagtatanggol sa batang aktres na karapatan ng producer ang pumili ng susugalan nilang artista.
“Bakit ka nga naman kukuha ng newbie o walang name kung gagastusan mo ng wagas ang production? Sino ang manonood kung walang name ang bida?,” sey ng maraming netizen.
“Baka naman yung pa-audition sa mga supporting cast o players ang sinalihan ni gurl. Masyado naman yata siyang ambitious to claim na for the lead ang pinuntahan niya? And hello, for two days, nandun siya?,” tanong pa ng ibang casuals.
“Atasha can sing and dance. Alaga siya ng Viva, the producer of the play at matawag man siyang nepo baby but she has all the rights to be the lead actress. Eh talagang pam-bida ang name at pedigree niya, anong mali?,” depensa pa ng marami.
Hirit pa ng iba, ” hindi naman siguro binabalewala yung audition at effort na ginawa ng mga auditionees. The hirap, pagod, mahabang pila and all, eh sa ganun talaga ang sistema.
At the end of the day, lahat ng nangangarap ay naghihirap. Sadyang may ibang klaseng hirap din namang pinagdaanan si Atasha bilang anak ng mga icons na sina Aga at Charlene. Hindi rin naman madaling maging anak ng mga kilala sa lipunan noh.”


