Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source na malapit kay dating Senador Bong Revilla, sobra daw nalungkot ang dating mambabatas dahil sa pagkaka-deny ng request nito na mapuntahan kahit ang huling gabi ng lamay ng namatay nitong kapatid last June 29.
Namatay ang kapatid ni Bong na si Jojo Bautista kaya naman agad daw na nag-request sa korte ang nakakulong ngayong aktor-pulitiko na pansamantala siyang mabigyan ng pagkakataon na makasama ang pamilya sa pagluluksa.
Nakapiit si Revilla sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas kaugnay ng dinidinig na kasong malversation laban sa kanya at sa lima pang akusado hinggil sa umano’y P92.8 milyong proyekto sa flood control sa Pandi, Bulacan.
Sa tatlong pahinang resolusyon ng Third Division ng Sandiganbayan, sinabi ng anti-graft court na bagama’t isang personal na trahedya ang pagkawala ng isang kapatid, pero ang dahilan umano ni Revilla, “did not rise to the level of an exceptional ground required to override the court’s primary duty of maintaining secure custody over the accused, particularly considering the seriousness of the charges against him.”
May nakikita umanong “panganib” kapag ang dating Senador ay pinagbigyan at posible din umanong mag-set ng precedence sa iba pang mga pulitkong nakakulong sa parehong facility gaya nina Senador Jinggoy Estrada, Senador Rodante Marcoleta at iba pang mga high-profile inmates.
Binanggit din ng hukuman na ang pagbibigay ng pahintulot sa kahilingan ni Revilla na makapunta sa burol ng kapatid ay dagdag na pasanin sa seguridad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Kakailanganin umano ng maraming tauhan para magbantay at umalalay sa kanyang paglabas.
“Alternative means remain available for the accused to express his condolences and participate, albeit indirectly, in the family’s observance of mourning. Such considerations further militate against the grant of the extraordinary privilege sought,”
Dahil dito, balitang iniyakan na lamang ng dating Senador ang natanggap na denial ng Third Division ng Sandiganbayan at wala na itong nagawa kundi ang mag-alay na lamang ng dasal at pamisa para sa yumaong kapatid.
Samantala, mixed naman ang naging reaction ng netizen sa pangyayari.
May mga nagsasabing mukhang nawala na daw sa gobyerno ang pagkakaroon ng empathy sa kapwa kapag namamatayan.
May mga nagkomento namang grabe na ang pulitika kaya’t maging ang usapin sa pagluluksa ay parang balewala na.
May mga nagkomento namang baka mauso na naman daw ang special requests sa mga kagayang high-profile na tao kung sakaling ito’y napagbigyan.
Naririto naman ang ilan pang reaksyon:
“Dapat lang, no special treatment nga naman.”
“No special treatment!”
“Very good! Baka ‘pag lumabas, mag-ala-Bato.”
“Ay, dapat lang! Baka itakas din ni Robin.”
“OMG, who said that??”
“‘Di pa naman convicted. They should have been more humane.”


