Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Marcos: Regional wage boards pinag-aaralan ang dagdag-sahod sa mga rehiyon

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules na patuloy na sinusuri ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ang wage conditions sa bawat rehiyon upang matiyak na ang anumang dagdag sa minimum wage ay akma sa lokal na kalagayan ng ekonomiya.

Sa interview sa Pulilan, Bulacan, matapos ang launch ng 2026 National Kick-Off ng School-Based Feeding Program and Milk Feeding Activity, sinabi ng Pangulo na tuloy-tuloy ang review ng regional wage rates.

“Ang tripartite wage board, sa regional tripartite wage board, patuloy ‘yan, hindi tumitigil ‘yan, patuloy na tinitingnan at inaaral kung ano ba talagang presyuhan doon sa bawat region para mailagay na tama ang ating wage rate kung kailangan ng wage hike,” sabi ni Marcos.

Una nang inaprubahan sa National Capital Region (NCR) ang P85 daily wage increase dahil sa mas mataas na cost of living sa Metro Manila.

“Ang nauna ay ang NCR, PhP85 ang naging wage hike, ito ay buong kasaysayan ng Pilipinas, ang pinakamaraming pagtaas ng wages dito, lalo na sa Metro Manila,” sabi ng Pangulo.

Ayon kay Marcos, inaasahang matatapos sa mga susunod na buwan ang deliberations ng wage boards sa ibang rehiyon, kabilang ang ilan na nakatakdang matapos sa September o October.

“Ang susunod ay sa mga region pero matagal pa yan mga September, October pa yung iba kaya pag natapos na sila sa kanilang pag-aaral ay ilabas na rin natin na yung naging resulta kung ano ang rekomendasyon ng ating tripartite wage sa iba’t ibang region,” dagdag ni Marcos. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles