Tumaas sa 4.8 percent ang unemployment rate ng Pilipinas noong May, pinakamataas sa loob ng isang taon, habang bumaba naman ang underemployment rate, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Katumbas ito ng 2.50 million Filipinos na walang trabaho, mas mataas sa 2.41 million noong April at 2.03 million noong May 2025.
Mas mataas din ang jobless rate kaysa 4.7 percent noong April at 3.9 percent noong kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Bumaba naman ang labor force participation rate sa 63.8 percent mula 65.8 percent noong May 2025, senyales na mas kaunti ang may trabaho o aktibong naghahanap ng trabaho.
Umabot sa 52.13 million ang labor force, bahagyang mas mababa kaysa isang taon na ang nakalipas pero mas mataas kaysa April.
Lumambot din ang employment figures. Bumaba ang employment rate sa 95.2 percent mula 96.1 percent noong May 2025, habang halos dikit ito sa 95.3 percent noong April.
Nasa 49.63 million ang employed Filipinos, mas mataas sa 48.89 million noong April pero mas mababa sa 50.29 million noong May 2025.
Samantala, bumaba ang underemployment rate sa 12.2 percent mula 15.2 percent noong April at 13.1 percent noong May 2025.
Pero katumbas pa rin ito ng 6.04 million employed Filipinos na naghahanap ng dagdag na trabaho, mas mahabang oras, o mas magandang kita.
Ayon sa PSA, nanggaling ang employment gains sa administrative and support services, mining, health services, fishing, at construction.
Pinakamalaki naman ang nawalang trabaho sa agriculture and forestry, na nabawasan ng 905,000 positions sa annual comparison.
May malalaking pagbaba rin sa other service activities, public administration, wholesale and retail trade, at professional services.
Ipinapakita ng datos na nananatiling may pressure sa labor market: mas maraming walang trabaho, mas mababa ang employment kumpara noong nakaraang taon, at milyon-milyon pa rin ang naghahanap ng mas sapat na kabuhayan kahit bumaba ang underemployment. /Bistado


