Bigong makapasok sa quarterfinals ngunit wagi sa London fans ang Pilipinang si Alexandra “Alex” Eala.
Tinapos ni Jasmine Paolini ng Italy ang pag-usad ni Eala, 6-4, 4-6, 6-3, nitong Lunes.
Standing ovation at masigabong palakpakan ang pabaon kay Eala ng mga manonood sa Centre Court ng All England Club ng London.
Kabilang sa kanila ang retirado ng si Roger Federer ng Switzerland, ang nag-iisang walong beses na kampeon sa men’s singles.
Iyon ang unang pagtapak ni Paolini sa Centre Court mula ang masakit na pagkatalo kay Barbora Krejcikova ng Czech Republic sa 2024 final 2-6, 6-2, 4-6.
Nakabawi rin siya kay Eala na tumalo sa kanya sa round of 32 ng Dubai Tennis Championships noong Pebrero, 6-1, 7-6 (5).
Ang 21-anyos na si Eala ay naglalayong maging unang manlalaro mula sa Pilipinas na umabot sa singles Grand Slam quarterfinal mula noong gawin ito ni Felicisimo Ampon sa 1953 French Open.
Agad na nagpahatid ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng social media.
“This remarkable Wimbledon run may have come to an end. But after what you have accomplished, I believe the world has only begun to see what Filipinos are capable of. Thank you, Alex Eala, for proving that no dream is beyond the reach of a Filipino who dares to dream and works for it. The whole nation is proud of you. You will always be our champion!” ayon sa post ni Marcos.
Si Paolini, kasalukuyang world No. 17, ang naging kauna-unahang Italyanang babae na umabot sa maraming Wimbledon quarterfinals.
“Stepping on this court is something special, and I was looking forward to it,” ani Paolini sa on-court interview.
“Here there is an amazing atmosphere. It’s something else to play tennis here, you know, and I feel so lucky to have this opportunity. I feel lucky to get the win as well, and I want to thank you as well, Roger, because (you’re) my idol.”
Sa quarterfinals, makakaharap ni Paolini si No. 12 seed Marta Kostyuk ng Ukraine.
Umabot sa huling walo ng Wimbledon sa unang pagkakataon si Kostyuk matapos talunin si Ashlyn Krueger ng Amerika, 6-4, 6-4, sa loob ng isang oras at 23 minuto.


