Noong nakaraang taon pa na-li-link si Julia Barretto sa guwapong businessman na si Lucas Lorenzo.
May mga tsismis pa nga dati na nagkaroon na umano ng secret marriage ang dalawa, pero ang mga ito’y nanatiling tsika lalo’t may pagka high profile din ang negosyante sa mga ganap niya sa buhay.
Kamakailan nga lang ay nasangkot ito sa isang “gulo” nang diumano’y pagbawalan na itong tumuntong sa The Country Club sa Canlubang kung saan ginanap ang Manila Polo Club tournament.

Dahil sa pagkakaroon nito ng isyu sa “conduct entirely unbecoming of a guest” sa naturang tournament, balita pa ngang nagdesisyon na din ang Manila Polo Club na tuluyan na siyang i-ban at tanggalin na bilang member.
Kaya naman worried ang mga supporters ni Julia if ever man daw na totoo ang balita, dahil mukha nga daw may isyu sa ‘anger management’ ang binata.
Si Lucas ay kapatid nina Mateo at Basti Lorenzo, na napangasawa naman nina Erich Gonzales at Claudia Barretto respectively. Sister ni Julia si Claudia.
Sa latest post ni kuya Kim Atienza nito lamang Lunes, July 6 ay talaga namang sobrang na-curious ang netizen sa masaya at tila very sweet moments nina Julia at Lucas, kasama pa ang ibang couples na sina Erich-Mateo at Basti-Claudia at asawa ni kuya Kim na si Felicia, pati na ang couple na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.
Sa naturang dinner post ni kuya Kim ay mabilis ngang nagwan-plus-wan ang mga netizen na something deeper is indeed going on between Julia and Lucas.
Kung ang mga body movement, poses at smiles daw ang pagbabasehan, hindi lang pagiging komportable ang nakikita ng mga tao sa dalawa.
“Bagay naman sila. Ramdam mo lang talaga na lalong naging chill ang aura ni Julia. Mas gumanda siya ngayon at guwapo naman si kuya (Lucas),” tsika ng mga Marites.
Last year pa sila napag-uusapan after ngang maghiwalay sina Julia at Gerald Anderson na inakala ng marami na mauuwi sa kasalan.
Ayon po sa ating napag-alaman, si Lucas Lorenzo ay prominenteng young businessman at CEO of Restaurant Concepts Group, Inc.. His company owns and operates popular food and beverage chains in the Philippines, including Barcino, Bluesmith, Meat Depot, at marami pang iba.


