Kalat-kalat na pag-ulan o thunderstorms ang asahan sa buong bansa ngayong Linggo, July 5, habang patuloy na binabantayan ng Pagasa ang Super Typhoon Bavi sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa 4 a.m. public weather forecast, sinabi ng Pagasa na naaapektuhan ng easterlies ang eastern sections ng Luzon at Visayas.
Dahil dito, makararanas ang Cagayan Valley, Bicol Region, Eastern Visayas, Aurora, Quezon, at Dinagat Islands ng partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms. Posible ang flash floods o landslides sa mga lugar na ito kapag may severe thunderstorms.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, ganoon din ang panahon dahil sa localized thunderstorms, na maaari ring magdulot ng flash floods o landslides kapag lumakas.
Samantala, dakong 3 a.m., huling namataan ang Super Typhoon Bavi sa layong 2,700 kilometers silangan ng Eastern Visayas.
Taglay nito ang maximum sustained winds na 195 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong umaabot sa 240 kilometers per hour. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Sa eastern section ng Luzon, light to moderate winds mula east to northeast ang inaasahan, habang slight to moderate ang coastal waters na nasa 0.6 hanggang 1.5 meters.
Sa natitirang bahagi ng Luzon, light to moderate winds mula east to southeast ang mararanasan, na may alon na 0.6 hanggang 1.5 meters.
Sa Visayas at eastern section ng Mindanao, light to moderate winds mula northeast to northwest ang forecast, habang nasa 0.6 hanggang 1.2 meters ang coastal waters.
Sa natitirang bahagi ng Mindanao, light to moderate winds mula southwest to west ang inaasahan, na may alon na 0.6 hanggang 1.2 meters. /Bistado


