Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Prosec Ridon: COA unmodified opinion sa OVP walang epekto sa impeachment trial ni VP Sara

Walang epekto sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang unmodified opinion na inilabas ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng 2025 budget use ng Office of the Vice President (OVP), ayon kay House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon.

Sa explainer video nitong July 3, sinabi ni Ridon na mahalagang linawin na ang COA opinion sa 2025 financial statements ng OVP ay hindi nagbubura sa mga naunang audit findings at hindi rin nagpapatigil sa kaso sa Senado.

“Naglabas ang Commission on Audit ng Unmodified Opinion patungkol sa 2025 paggamit ng Office of Vice President na kanyang budget,” sabi ni Ridon.

“Pero very important na maglinang tayo na wala itong impact doon sa impeachment trial ng ating pangalawang Pangulo,” dagdag niya.

Ayon kay Ridon, maaaring magkaroon ng unmodified opinion ang isang ahensya habang nananatili pa rin ang adverse findings gaya ng notice of disallowance mula sa mga nakaraang taon.

“Lalo’t higit, puwede namang mag-exist yung Unmodified Opinion ng COA habang may mga adverse findings, katulad ng Notice of Disallowance nito noong nagdaang mga panahon,” paliwanag niya.

Giit ni Ridon, tuloy pa rin ang paniningil sa P448 million na ipinapasoli umano ng COA kay Duterte kaugnay ng confidential funds.

“Ibig sabihin, yung P448M in total na ipinapasoli sa ating pangalawang Pangulo, personal, ay tuloy pa rin po,” sabi niya.

Tinukoy din ni Ridon ang P73 million na aniya’y may finality na sa antas ng COA proper.

“Ibig sabihin, yung P73M na may finality at the level of COA proper ay dapat maisoli ng ating pangalawang Pangulo,” sabi niya.

Ayon pa kay Ridon, nananatili rin ang usapin hinggil sa natitirang bahagi ng P448 million na confidential funds para sa 2023.

“At tayong natitira sa P448M ng confidential funds for 2023 ay tuloy pa rin ito nung pinapasoli ng Commission on Audit mula sa ating pangalawang Pangulo,” dagdag niya.

Dahil dito, sinabi ni Ridon na tuloy ang impeachment trial laban kay Duterte at maaari pa ring gamitin ng prosecution panel ang ebidensiya sa umano’y misuse of confidential funds kapag inilahad na ang article tungkol dito.

“Kaya very important na maunawaan natin na tuloy pa rin ang paglilitis laban sa Vice President, at yung ebidensya patungkol sa misuse of confidential funds ay tuloy pa ring magagamit ng ating prosecution panel pagkalatag ng article on confidential funds misuse,” sabi ni Ridon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles