Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bavi posibleng maging super typhoon, papasok sa PAR next week

Binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang Typhoon Bavi, na posibleng lumakas bilang super typhoon at pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na linggo.

“It is possible that by Tuesday or Wednesday, it will enter PAR,” sabi ni Pagasa weather specialist Obet Baddrina sa briefing nitong Biyernes.

Kapag pumasok sa PAR, tatawagin itong Inday, ang ika-siyam na tropical cyclone ng bansa ngayong taon.

Huling namataan si Bavi sa layong humigit-kumulang 3,400 kilometers silangan ng landmass ng bansa. Inaasahan itong patuloy na kikilos pa-kanluran patungong Taiwan.

Ayon kay Baddrina, maaaring palakasin ni Bavi ang Southwest Monsoon o Habagat sa susunod na linggo, na makaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Posible ring magtaas ng tropical cyclone wind signals sa ilang lugar kapag pumasok na ang bagyo sa PAR.

“So, it’s possible that the southwest monsoon will be enhanced next week, triggering rainy conditions from Wednesday to Friday,” sabi niya.

Pinayuhan ng Pagasa ang publiko na patuloy na bantayan ang mga update tungkol sa bagyong posibleng pumasok sa PAR sa susunod na linggo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles