Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Labor department: Tab Baldwin ilegal ang employment status

Ang dating head coach ng Ateneo de Manila University men’s basketball team na si Tab Baldwin ay walang alien employment permit (AEP), ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Dumalo si Baldwin at dalawang abogado sa clarificatory conference sa opisina ng DOLE sa Intramuros, Maynila nitong Lunes.

Ayon sa DOLE, hindi pa nakapag-sumite si Baldwin ng aplikasyon para sa AEP o certificate of exemption.

Sinabi ni DOLE Secretary Francis Tolentino, na namuno sa pagdinig, na iba ang imbestigasyong ito sa mga isinagawa ng iba pang ahensya ng gobyerno dahil nakatuon ito sa kanyang awtoridad na magkaroon ng gainful employment sa Pilipinas.

“The records of the Department of Labor and Employment reflect that he has neither applied for an Alien Employment Permit, nor has he filed an application for exemption or exclusion pursuant to DOLE Department Order Numbers 221-22 and 248-25 as amended, and related guidelines,” nakasaad sa bahagi ng pa-unang findings ng DOLE.

Ipinaliwanag ng kampo ni Baldwin na hindi kailangan ng coach ang AEP dahil mayroon siyang permanent residency visa sa Pilipinas.

Hindi rin daw siya inatasang kumuha ng AEP noong bigyan siya ng permanent resident visa status.

“That’s their allegation,” tugon Tolentino sa tanong ng media kaugnay ng pahayag ng kampo ni Baldwin na exempted sya sa pagkuha ng AEP.

“If you don’t have that (AEP), you’re here illegally. Everything you have done since the start is absolutely illegal. It’s important to follow the AEP because it’s in the law,” dagdag ni Tolentino.

Maglalabas ang DOLE ng subpoena laban sa mga opisyal ng Ateneo, na naatasang humarap sa departamento sa Hulyo 9.

“That’s why we have to call the employer. We will call the Ateneo officials to explain their position,” ani Tolentino.

Hinilingan ang kampo ni Baldwin na magsumite ng mga kopya ng kanyang mga naunang kontrata para sa pagsusuri upang matukoy ang tagal ng kasunduan, petsa ng pagsisimula nito, mga nakasaad na emoluments, at ang malinaw na saklaw ng kanyang mga responsibilidad.

Noong Hunyo 26, inirekomenda ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang pagsasampa ng kaso laban kay Baldwin at 10 pang miyembro ng coaching staff kaugnay ng pagkalunod ng dalawang manlalaro sa isang team building activity sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.

Nais ng PNP-CIDG na masampahan ng kaso sina Baldwin, na nagbitiw na; dalawang strength and conditioning coach na sina Grant Dearns at Caesar Vincent Elumba; tatlong assistant coach na sina Dean Caesar Castaño, Sandro Nicholas Soriano at Reynaldo Jacinto Jr.; dalawang student manager na sina Paolo Manuel Adevoso at Andrew Lorenzo Salud; physical therapist John Eric Rueca; at dalawang utility/ball boy na sina Aris Prince at Joel Rapa.

Ayon sa natuklasan ng mga imbestigador, isina-ilalim umano ang mga manlalaro sa matitinding pisikal na aktibidad sa mapanganib na kondisyon, bago nalunod sina Rene Baterbonia, 18, at Nigerian na si Divine Adili, 21.

“This is not about training or hazing. This is also about the rights of the players. Ito rin po ay sana maging leksyon para sa lahat ng mga organisasyon na ang ganitong klaseng bagay ay hindi pwedeng dalhin sa magaanan paraan lamang,” ani Interior Secretary Jonvic Remulla sa press conference sa Quezon City.

“This is only the recommendation of the CIDG as the complainant. The final arbiter of what they will be charged with will be the Department of Justice,” dagdag pa ni Remulla.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles