Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

3rd international OFW lounge, binuksan sa Cebu

Binuksan na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang ikatlong International OFW Lounge, sa Mactan-Cebu International Airport naman, para ilapit ang frontline services sa overseas Filipino workers mula Cebu, Visayas, at kalapit na lugar.

Sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City, sinabi ni OWWA Administrator Patricia Yvonne “PY” Caunan na kasama niya sa Cebu sina Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac at DMW Undersecretary Dominique “Nikki” Rubia-Tutay para sa pagbubukas ng bagong pasilidad.

Ayon kay Caunan, nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 3 at 1 sa Manila ang unang dalawang International OFW Lounges.

“Dalawa po ang una nating International OFW Lounge, ito po ay sa Terminals 3 and 1 dito po sa Maynila,” sabi niya.

Halos dalawang milyon na umano ang naserbisyuhan ng dalawang lounge sa Manila.

“Doon po sa Terminals 3 and 1, halos dalawang milyon na po ang napagsilbihan natin na mga OFWs,” sabi ni Caunan.

Sisilbihan ng Cebu lounge ang departing at arriving OFWs at kanilang pamilya. May pagkain, refreshments, OWWA card printing, Wi-Fi, charging stations, at assistance mula sa OWWA at DMW personnel.

Kasama rin sa service setup sa Mactan-Cebu International Airport ang DMW facilitation desk sa arrival area, presensya ng OWWA at DMW sa check-in at departure, at assistance sa OFWs hanggang makaalis sila.

Ayon kay Caunan, bahagi ang lounge ng 2023 State of the Nation Address (SONA) commitment ni President Ferdinand Marcos Jr. na magtatag ng OFW lounges at facilitation centers para sa Filipino migrant workers.

Nilinaw ni Caunan na mula sa “Alagang OWWA” line item ang pondo ng facility at hindi mula sa members’ trust fund. Ito rin aniya ang sumusuporta sa global centers abroad, kabilang ang nasa Hong Kong, Kuala Lumpur, at Taipei, pati ang Seafarer Welfare Center malapit sa Mall of Asia Arena.

Sa Hong Kong Global Center, may training, upskilling opportunities, at community engagements, kabilang ang mga programang tumutulong umaksyon sa personal conflicts ng OFWs.

Nang tanungin tungkol sa viral videos ng Filipino workers na nag-aaway sa Hong Kong, sinabi ni Caunan na nakialam na ang OWWA, DMW, at Philippine consulate sa ilang kaso.

“Nagkaroon na po ng intervention through our consulate,” sabi ni Caunan.

Ayon sa kanya, iba-iba ang mga isyu, kabilang ang utang at personal disputes. Patuloy din aniya ang sports programs, training, psychosocial counseling, upskilling, reintegration, at conciliation efforts sa pamamagitan ng consulate at global center.

Sinabi rin ni Caunan na pinalakas ng OWWA at DMW ang partnership sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), para maipagawa abroad ang training, assessment, at National Certificate II (NC II) processing sa pamamagitan ng global centers.

Mahalaga rin aniya ang financial literacy, lalo na sa Hong Kong, kung saan maraming OFWs ang lumapit sa kanya dahil sa utang at may ilan ding naging vulnerable sa money laundering at high-interest lenders.

Ayon naman kay Rubia-Tutay, pinalalawak din ng DMW ang reintegration support para sa returning OFWs, kabilang ang mga gurong bumalik sa Pilipinas sa ilalim ng “Pinas, Ikaw ang Ma’am at Sir” program.

“Kahapon po, doon sa sinabi ni Admin PY sa Cebu, idagdag ko lang po that we have awarded 20 teachers na nanunumbalik po dito sa ating bansa under sa Pinas, Ikaw ang Ma’am at Sir,” sabi ni Rubia-Tutay.

Ayon sa kanya, mahigit 10,000 beneficiaries na ang naserbisyuhan ng programa sa tulong ng Department of Education (DepEd) at DMW.

Inanunsyo rin ni Rubia-Tutay na magsasagawa ang DMW ng Migrant Workers’ Health Summit sa June 30 hanggang July 1 sa Occupational Safety and Health Center sa Quezon City, na may medical, wellness, at government services para sa OFWs at kanilang pamilya.

Tungkol sa repatriated OFWs na naapektuhan ng tensyon sa Middle East, sinabi ni Rubia-Tutay na malapit na sa 11,000 ang nakauwi, at mahigit 5,000 ang natulungan sa regional reintegration programs.

“Close to 11,000 na po ang nanunumbalik na overseas Filipino workers when we started repatriating because of the Middle East tension,” sabi ni Rubia-Tutay.

Patuloy aniya ang psychosocial intervention, livelihood assistance, seed capital, training, at upskilling mula sa DMW, OWWA, Department of Trade and Industry (DTI), Small Business Corporation (SB Corporation), TESDA, at iba pang ahensya.

Nagbabala rin si Rubia-Tutay na maraming biktima ng illegal recruitment ang naloloko sa online at social media platforms.

“Karamihan po kasi ng mga nabibiktima ng illegal recruitment is through online social media,” sabi niya.

Hinimok niya ang applicants na gumamit ng official channels at i-verify ang job orders sa DMW website, sabay paalala na hindi dapat kailanganin ang malaking bayad sa lehitimong hiring process.

“Legitimate hiring process does not require you to shell out big amounts of money,” sabi ni Rubia-Tutay. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles