Huling-huli ang mayor na ito na uhm… mayora pala! Aba, bakit naman kasi umaatikabong pink na pink ang motor mo, Mayor? At hindi pa itinago ha—ibinabalandra pa talaga sa harap ng munisipyo na parang campaign float!
Matagal na raw itong usap-usapan sa bayan. Para sa marami, hindi na bago ang “rebranding” na ito. Sabi nga ng mga marites sa kanto, matagal nang alam ng inner circle na beard lang umano ang misis. Kaya hindi na sila nagulat nang makita ang mayor na todo porma, todo alalay, at todo angkas sa kanyang paboritong two-wheels na kulay rosas.
At teka, sino ba ang makakalimot sa long-time “bufra” niyang si M? Noon pa lang, lantaran na kung magbalandra. May pa-surprise visits, may pa-sunod-sunod na out-of-town. Kaya nga raw, hindi na ito shocker kundi confirmation na lang sa mga matagal nang nagbubulong-bulungan.
Ngayon, mas bongga pa ang eksena. More more ayuda raw si Mayora sa kanyang sanlaksang boylets—minsan, spotted pa na nakaangkas sa pink motorcycle habang umiikot sa silangang bahagi ng Metro Manila. Aba, ibang klase ang serbisyo publiko kung ganito ang pakulo!
Tanong tuloy ng netizens: motor lang ba ang pink, o pati ang buong istorya? Sa east side ng Metro, tila mas makulay pa sa fiesta ang mga kaganapan. Buking na ba talaga, o may sequel pa? /Bistado


