VENEZUELA – Umakyat na sa 188 ang bilang ng nasawi matapos tamaan ng malalakas na lindol ang northern coast ng Venezuela, ayon sa mga awtoridad nitong Huwebes.
Ayon kay Jorge Rodriguez, president ng National Assembly, 1,520 sugatan ang dinala sa mga ospital at ginagamot.
Nasa 157 katao pa ang nawawala, habang nagpapatuloy ang rescue operations para sa mahigit 200 tao na pinaniniwalaang naipit sa ilalim ng gumuhong estruktura.
Nakapagtala na rin ng 138 aftershocks mula nang tumama ang unang dalawang lindol na may magnitude 7.2 at 7.5 noong Miyerkules ng gabi.
Ayon kay Rodriguez, 346 infrastructure sites ang napinsala, kabilang ang 250 buildings at 20 shopping centers, karamihan sa La Guaira state.
Walong ospital din ang naapektuhan, kaya inilikas ng mga awtoridad ang mga pasyente sa ibang medical facilities.
Naglaan ang gobyerno ng Venezuela ng USD200 million special fund para sa urgent reconstruction efforts, kabilang ang muling pagtatayo ng nasirang mga bahay at ospital.
Noong Miyerkules ng gabi, tumama ang malalakas na lindol sa northern Caribbean coast ng Venezuela, nagdulot ng malawakang pinsala, at nag-trigger ng tsunami warnings sa rehiyon.
Nagdeklara si Acting President Delcy Rodriguez ng national state of emergency matapos ang mga lindol. /Bistado


