Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

24 Pinoy na na-detain sa Russia, nakauwi na sa PH matapos ang Marcos-Putin talks

Nakauwi na sa Pilipinas ang 24 Pilipinong halos siyam na buwang na-detain sa Russia matapos personal na idulog ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanilang kaso kay Russian President Vladimir Putin sa bilateral meeting sa Kazan.

Dumating ang mga repatriated Filipinos sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 nitong madaling-araw ng Linggo sa dalawang batch mula Bangkok, Thailand.

Anim ang unang dumating pasado hatinggabi sakay ng Philippine Airlines Flight PR737, habang ang natitirang 18 ay lumapag din nitong Linggo ng madaling-araw sa pamamagitan ng PAL Flight PR733.

Personal silang sinalubong nina Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro at Migrant Workers Secretary Hans Cacdac.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, isinagawa ang repatriation sa koordinasyon ng Russian authorities, sa tulong ng Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration.

Nauna nang inihayag ni Marcos nitong linggo na makakauwi na ang mga Pilipino matapos niyang banggitin ang kanilang sitwasyon kay Putin sa bilateral meeting sa sidelines ng ASEAN-Russia Commemorative Summit sa Kazan.

Pinasalamatan ng Pangulo si Putin at ang Russian government sa pagtulong na maresolba ang usapin.

Ayon kay Marcos, na-detain ang mga Pilipino sa Irkutsk, Russia, sa southeastern Siberia, nang halos siyam na buwan kahit wala umanong formal charges.

Nauna nang sinabi ng Philippine officials na batay sa mga ulat, posibleng naging biktima ng illegal recruitment schemes ang mga Pilipino at na-custody dahil sa posibleng immigration-related violations.

Sinabi ng mga ahensya ng gobyerno na bibigyan ng assistance at reintegration support ang mga umuwing Pilipino habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga pangyayari sa kanilang recruitment at biyahe papuntang Russia. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles